Gladys sa solid na pagsasama nila ni Christopher: Kumbaga sa negosyo, kailangan muna mag-invest, hindi lang emotions...lahat! | Bandera

Gladys sa solid na pagsasama nila ni Christopher: Kumbaga sa negosyo, kailangan muna mag-invest, hindi lang emotions…lahat!

Ervin Santiago |November 17,2022
facebook
share this

Gladys sa solid na pagsasama nila ni Christopher: Kumbaga sa negosyo, kailangan muna mag-invest, hindi lang emotions…lahat!

Ervin Santiago - November 17, 2022 - 07:16 AM

Gladys sa solid na pagsasama nila ni Christopher: Kumbaga sa negosyo, kailangan muna mag-invest, hindi lang emotions...lahat!

Gladys Reyes at Christopher Roxas

IKINUMPARA ng award-winning TV host-actress na si Gladys Reyes ang pagsasama nila ni Christopher Roxas bilang mag-asawa.

Kung may isang married couple sa entertainment industry na talagang maituturing na singtigas ng bato ang pagsasama, yan ay walang iba kundi sina Gladys at Christopher.

January, 2004 nagpakasal ang celebrity couple matapos ang 11 taong pagiging mag-boyfriend-girlfriend kaya kung susumahin ay 29 years na silang magkasama sa buhay.

Kaya naman marami ang nagtatanong kung ano ba ang sikreto nila at hanggang ngayon ay solid na solid pa rin ang kanilang relasyon sa kabila ng mga pinagdaraanan nilang pagsubok.

Sinagot yan ni Gladys nang maging celebrity guest siya sa “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga” kamakailan.

“After naming magkasama sa isang teleserye na nag-run for five years, gumawa kami ng movies, ‘yan sa Regal, marami pang iba.

“Since that time kami na talaga, so bakit hindi pa talagang kami na rin ‘yung loveteam doon, sa movies na ‘yun. Hanggang sa siyempre nagtuluy-tuloy hanggang sa now, 29 years of togetherness,” pahayag ng magaling na kontrabida.

Sabi pa niya, ang tatlong pinanghahawakan nilang mag-asawa sa kanilang married life ay  “prayers, patience, and partnership.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gladys Reyes-Sommereux (@iamgladysreyes)


“Kumbaga sa negosyo, siyempre kailangan muna mag-invest kayo. Hindi lang emotions pero lahat, siyempre wisdom doon sa pagsasama ninyo.

“And then eventually, aanihin n’yo ‘yung tubo ‘di ba, doon sa negosyo na ‘yun, doon sa relationship na ‘yun,” aniya pa.

“And respect each other’s privacy, isa rin ‘yan. Kasi trust ‘yan e. Katulad ngayon, until now hindi kami ‘yung ‘Oh patingin ng cellphone mo.’

“Hindi. Kasi iniisip ko kung halimbawang may ginagawa naman ‘yung isa, siya naman ang magdadala nu’n, ‘di ba?” dugtong ng Kapuso actress.

Naikuwento rin niya ang tungkol sa kanilang catering business, “Si Christopher kasi chef. Siya ‘yung nag-study ng culinary arts. Talagang ever since naroon na sa pagkain ‘yung talagang gusto niyang maging negosyo. Ako, I take care of the marketing.”

Biniyayaan ng apat na anak sina Gladys at Christopher, sina Aquisha, Gavin Cale, Christophe at Grant.

Gladys Reyes, Christopher Roxas ibinandera ang ‘3Ps’ na sikreto sa 30 years na pagsasama

Gladys Reyes ibinandera ang pink outfit, netizens na-curious: Kakampink ba siya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Claudine Barretto ‘greatest love’ si Rico Yan, wish matuloy ang project kasama si Gladys Reyes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending