Gladys Reyes ibinandera ang pink outfit, netizens na-curious: Kakampink ba siya?
USAP-USAPAN ngayon ang aktres na si Gladys Reyes matapos nitong ibahagi ang kanyang “pink” outfit noong nag-taping ito para sa “All Out Sundays”, musical variety show ng Kapuso network.
Sa kanyang Instagram ay ibinandera ng aktres ang kanyang larawan na talaga namang super pretty in pink.
“Work mode… All Out Sundays taping,” saad ni Gladys sa kanyang post noong April 25.
Inulan naman ng papuri ang naturang post ng aktres.
“You look stunning in pink. Real talk lang po.. Totoo namang maganda yung outfit at color. Bumagay sa beauty niya,” comment ng isang netizen.
View this post on Instagram
Saad naman ni Carmi Martin, “Super love it! Winner ka talaga bff parang walang apat na anak sa katawan.”
At dahil nga papalapit na ang eleksyon at marami na ring mga artista ang unti-unting lumalabas para magpakita ng suporta sa kanilang mga napupusuang kandidata, marami tuloy ang curious kung may kinalaman nga ba ang kanyang kasuotan s kandidatong iboboto sa papalapit na eleksyon.
Pero ang mas nakapukaw ng pansin ng mga netizens ay ang ideya na kung may kinalaman nga ang post ni Gladys sa kanyang susuportahan sa eleksyon, ibig bang sabihin ay sina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan nga ba ang ieendorso ng Iglesia Ni Cristo?
Para kasi sa mga hindi aware, ang relihiyon ng aktres ay Iglesia Ni Cristo at tuwing eleksyon, kung sino ang kandidatong ieendorso ng mga kinauukulan ay siyang iboboto ng lahat.
Sa Twitter ay agad na nag-trending si Gladys dahil marami ang nag-iisip kung isa na nga ba siyang kakampink.
“Nagpink na si Gladys Reyes. Malakas ang kutob ko na si VP Leni dadalhin ng INC,” sabi ng isang netizen.
Hirit naman ng isa, “Leni po ba?”
Samantala, nagreply si Gladys sa isang netizen na nagsasabing big deal raw sa mga kakampinks ang pagsusuot niya ng pink na damit.
“Sis @iamgladysreyes big deal tuloy sa mga pinklawan ang pagsusuot mo ng pink. Mga judgmental!” comment ng netizen.
Sagot ni Gladys, good vibes lang po.”
Wala pa namang opisyal na pahayag ang Iglesia Ni Cristo kung sino nga ba ang ieendorso nitong kandidato.
Related Chika:
Viral ‘pink photo’ ni Sarah G sa socmed peke; pero sino nga ba ang ibobotong presidente?
Gladys Reyes may ibinuking tungkol kina Coco, Jaclyn, Sen. Lito at Direk Brillante
Gladys Reyes saludo kay Coco Martin: I admire how humble and hardworking he is
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.