Gladys Reyes saludo kay Coco Martin: I admire how humble and hardworking he is
MULING magbabalik pelikula ang Kapamilya actor na si Coco Martin dahil isa ito sa mga bibida sa pelikulang “Apag” (hango sa salitang hapag) ni Brillante Mendoza. Ang malaking balita ay kinumpirma ng beteranang aktres na si Gladys Reyes sa kanyang social media account.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi nito ang kanyang memorable experience dahil nakatrabaho na niya ang dalawa sa malalaking pangalan at talagang tinitingala sa industriya.
“Enjoyed talking to Coco and hearing stories from him in between takes. I admire how humble and hardworking he is. Looking forward to our next shooting days. Grateful to you Lord for this,” saad ni Gladys.
Sa isa ulit post ay kasama naman niya sa larawan ang iba pang cast ng pelikula tulad nina Gina Pareño at Jaclyn Jose.
“Not my first time working with both of them, but our first being in one movie together,” sey ni Gladys.
View this post on Instagram
Mayroon rin siyang post kasama naman ang ilan sa cast and crew ng kanilang pelikula.
“Working with these multi-awarded actors and director in one movie is indeed a bog blessing! Having so much fun with them and at this early, we’re already like a big family on the set,” pagbabahagi ni Gladys.
View this post on Instagram
Well, kasama kaya sa pelikula ang rumored dyowa ni Coco na si Julia Montes?
Matatandaang noong July ay pumunta sina Julia at Coco sa Pola, Oriental Mindoro para mag-shoot ng pelikula at si Brillante Mendoza rin ang direktor nito.
Sa ngayon ay wala pang confirmation kung kasama nga ba si Julia sa star-studed cast ng pelikula.
Related Chika:
Gladys napamura habang sinasagot ang mga tanong ni Aiko
Gladys humiwalay ang kaluluwa nang sampalin ni Maricel; Bianca may aaminin sa ‘TBATS’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.