Gladys napamura habang sinasagot ang mga tanong ni Aiko | Bandera

Gladys napamura habang sinasagot ang mga tanong ni Aiko

Therese Arceo |August 28,2021
facebook
share this

Gladys napamura habang sinasagot ang mga tanong ni Aiko

Therese Arceo - August 28, 2021 - 07:14 PM

MASAYANG chikahan ang ang nangyari sa muling pagkikita ng mga dating “That’s Entertainment” stars na sina Aiko Melendez at Gladys Reyes.

Unang chinika ni Aiko ang naging samahan nila ng asawang si Christopher Roxas.

11 years na naging mag-dyowa ang dalawa bago sila nagdesisyon na magpakasal noong 2004. Kung susumahin, 29 years na silang magkasama.

“Importante kasi na ‘yung faith n’yo, iisa. Iisa ‘yung pinaniniwalaan n’yo, iisa ‘yung kung saan kayo sumasampalataya. Lagi kong sinasabi dyan, tatlong ‘P’, prayers, patience, and partnership.

“Tons of patience ang kailangan natin. Minsan, kadugo na natin, medyo nagkaka-conflict pa tayo, ‘di ba? Hindi naman maiiwasan. Kapatid nga nagkakatampuhan p kayo. Ano pa kaya ang asawa? Kaya talagang kailangan ng maraming maraming pasensya and at the same time, ‘yung partnership ninyo,” pagbabahagi ng aktres.

Inihalintulad rin ng aktres ang pag-aasawa sa pagnenegosyo na may chance malugi kung hindi nagtutulungan ang mag-asawa sa relationship at importante na mayroong trusted persons sa paligid para magabayan rin ang mag-asawa.

“Dapat ata ikaw ang ginagawa kong guidance counsellor, kayo ni Tupe,” biro ni Aiko.

Mukhang may balak naman na sumunod sa yapak nilang mag-asawa ang panganay na anak dahil chika ni Gladys, may offer ito mula sa Viva pero bilang ina, gusto lang niyang i-enjoy ng anak kung ano man ang nais nitong gawin.

Napag-usapan naman nila ang mga pumatok na videos ni Gladys na “K-Pampangan”.

Halos may pagkakaparehas kasi ang punto ng dalawang lengwahe kaya napagtripan ito ng aktres.

Kuwento niya, naisip niya ito noong naka-quarantine siya matapos dahil ang ama sa hospital nang magkasakit pero negative naman sa COVID-19.

Nabanggit rin ni Aiko ang videos kung saan naghuhula hoop habang kumakanta ang kaibigan.

Amin ni Gladys, outlet niya ang pagkanta lalo na sa panahon ngayon kung saan napakaraming kanegahan sa paligid.

Minsan raw ay nakita niya ang ina na naghuhula hoop at sinubukan niya lang kung marunong pa iyo at sakton kaya pa niya at isinabay na niya sa pagkanta.

Dito nga ay sinubukan mg magkaibigan na maghula hoop. Grabe ang tawa ni Aiko habang sinusubukan ang hula hoop.

Kitang kita naman ang galing ni Gladys at kinanta pa ang “I Will Survive” habang graceful na naghuhula hoop at sinabayan rin ni Aiko.

Nang mapagod ang dalawa ay naglaro naman ang dalawa ng lie detector challenge.

Hindi pa man nagsisimula ay kinakabahan at pinagpapawisan na si Gladys. Nang magsimula ay halos itaas na ng aktres ang kamay at panay ang mura sa tuwing makukuryente.

Hindi na pinatagal ni Aiko ang paghihirap ng kaibigan dahil halos sumakit na ang tiyan nito kakatawa. Sinabihan niya ang kaibigan na hindi na niya ito papahirapan at maaari na siyang magpromote na ng business at ng shows.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“From this, magpopromote? Paano? Maasim ‘yung mukha ko,” natatawang saad naman ni Gladys.

Maraming netizens ang naaliw at nag-enjoy sa panonood sa dalawa. May mga nagcomment pa at tila relate sa kung paano pinag-tripan ni Aiko ang kaibigan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending