Herlene Budol pinakanta ng Pinoy song ang Miss Planet International candidates, pinakain din ng Pinoy food | Bandera

Herlene Budol pinakanta ng Pinoy song ang Miss Planet International candidates, pinakain din ng Pinoy food

Pauline del Rosario |November 11,2022
facebook
share this

Herlene Budol pinakanta ng Pinoy song ang Miss Planet International candidates, pinakain din ng Pinoy food

Pauline del Rosario - November 11, 2022 - 05:58 PM

Herlene Budol pinakanta ng Pinoy song ang Miss Planet International candidates, pinakain din ng Pinoy food

PHOTO: Facebook screengrab from Miss Planet International

WALANG makakapigil sa pagiging kalog ng ating pambato na si Binibining Pilipinas first runner-up na si Herlene Budol.

Dahil ang kanyang pagiging bibo ay dinala rin sa Uganda kasama ang mga kandidata ng Miss Planet International (MPI).

Sa Facebook, ibinandera ng MPI ang isang video na tinuturuan ni Herlene ang mga kandidata na kumanta ng “Moon” ni Nik Makino.

Caption pa sa post, “#Day4 Herlene Hipon Budol is trying to teach us a trending song from the Philippines (Philippine flag emoji)”

Game na game namang naki-jam ang mga kasamahan ni Herlene.

Pati ang ilang pinoy netizens ay kinaaliwan ang naturang video at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section.

“That’s why she was unique beautiful with a mission, ikaw na talaga Herlene Hipon Budol. Good luck po and God bless to all! (red heart emoji)”

“They are so happy and enjoying lots of fun… Good job Herlene ha ha”

“Hahaha kahit saan pa siya dalhin, ‘yan na talaga ang totoong siya. Good to be true to your self talaga. No need to pretend love3x go lang Miss HB!”

Bukod pa riyan ay nag-post naman si Herlene sa kanyang YouTube channel na mapapanood na tinuturuan niyang kumain ng “dragon seed” ang ilang mga kandidata.

Sinabi ng beauty queen na nagugutom na raw sina Miss Norway at Miss New Zealand kaya shinare niya rito ang kanyang baon na pika-pika.

Ipinaliwanag pa niya na isa itong buto ng kalabasa na madalas kainin ng mga Pinoy bilang pampalipas oras.

Tila naaliw naman sina Miss Norway at Miss New Zealand at ipinakita pa kung paano nila ito kinakain.

Nasa Uganda ngayon si Herlene para ipresenta ang Pilipinas sa nalalapit na Miss Planet International pageant na mangyayari sa November 19.

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Plan B’ sa national costume ni Herlene Budol nakarating na sa Uganda: ‘Tuloy ang lavaaarn!’ 

Herlene Budol ready na sa Miss Planet International, hiling na makapasok kahit sa semi-finals

Herlene Budol nanawagan sa airlines, national costume hindi umabot sa Uganda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending