Herlene Budol ready na sa Miss Planet International, hiling na makapasok kahit sa semi-finals | Bandera

Herlene Budol ready na sa Miss Planet International, hiling na makapasok kahit sa semi-finals

Pauline del Rosario - November 04, 2022 - 01:24 PM

Herlene Budol ready na sa Miss Planet International, hiling na makapasok kahit sa semi-finals

PHOTO: Instagram/@herlene_budol

KASADO na ang ating pambato na si Binibining Pilipinas first runner-up na si Herlene Budol para sa kanyang international beauty pageant na “Miss Planet International 2022.”

As of this writing, on the way ang beauty queen sa Uganda na kung saan gaganapin ang coronation night sa November 19.

Ibinandera ng Binibining Pilipinas sa Facebook ang ilang litrato ni Herlene na nasa airport at hawak ang maliit na bandera ng Pilipinas.

Sabi sa caption, “Goodbye for now as Herlene gets ready to say hello to Uganda.

“Miss Planet International here she comes!”

Nag-update din si Herlene sa madlang pipol at nag-post din ng kanyang picture kagabi, Nov. 3, na nasa labas naman ng airport kasama ang manager na si Wilbert Tolentino.

Libo-libong netizens naman ang nag-comment sa kanyang post at nagpaabot ng mensahe para sa nalalapit na laban.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Wish you good luck and God bless you all the way until u win the crown..manalo matalo, support ka namin miss Herlene (red heart emoji)”

“Go For The Win and get the Crown (crown emoji) Safe flight and Godbless.”

“Be confident to yourself don’t be shy, always focus your mind to the question, good luck, I’m sure you can do it well because your a nice person (red rose emoji)”

“We hope and pray for your success to bring the crown to our country, the Philippines.”

Bago umalis ang beauty queen ay nauna na siyang nag-update sa kanyang fans habang ipinapakita sa social media ang litrato ng kanyang pag-iimpake.

Nabanggit pa niya sa post na limang maleta ang kanyang dadalhin sa Uganda at umaming nakakaramdam na siya ng “pressure.”

Chika niya sa post, “Hindi biro ang pag sabak ng isang pageant.

“‘Yung preparasyon na dapat kumpleto susuotin pang araw araw. Limang maleta at isang box na National Costume. Grabe, bigla ko naramdaman ang Pressure.”

Ayon pa sa kanya, nasa 80 na mga kandidata ang kanyang makakalaban sa kompetisyon kaya nanghihingi siya ng suporta at dasal mula sa kanyang fans.

Sey niya, “Ochentang delegates ang makakalaban ko sa patimpalak ng Miss Planet International (crying emoji).

“Cheer nyo ako mga KaSquammy, KaHiponatics at KaBudol ko dyan, ‘yung pagmamahal, Supporta at pag dasal ay malaking bagay sa aking panibagong Journey.”

Lubos din siyang nagpapasalamat sa Binibining Pilipinas, pati na rin sa kanyang team na nag-aasikaso sa kanya.

Post ni Herlene, “Salamat Binibining Pilipinas sa pag bukas ng opportunidad at pinayagan tayo ilaban sa international stage sa tulong ng aking Mentor Rodin Gilbert B. Flores at ang Manager ko Wilbert Tolentino, buong Team KaFreshness sa pag train at knowledge na itinuro kay Hipon Girl nyo.”

Sa isang pang hiwalay na FB post ay umamin siya na naging kulang ang oras nila sa preparasyon, pero sana raw ay makapasok man lang sa semifinals ng Miss Planet International competition.

Lahad niya sa caption, “Sa sobrang pulidong preparasyon ng team kaFreshness at ni Sir Wilbert Tolentino sa darating na kompetisyon na kahit gahol at kulang sa oras kaming lahat.

“Sana maka pasok man lang ako sa Semi finalist, ayoko mapasok sa dressing room (crying emoji)”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Read more:

Herlene Budol pumapasok noon ng lasing sa school, payo sa mga talentadong Pinoy: Dapat kapalan n’yo ang mukha n’yo!

Herlene Budol nanawagan kay ‘Nene’

Zeinab Harake basag sa rebelasyon ni Wilbert Tolentino; Herlene Budol, Madam Inutz, Robi Domingo nadamay na 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending