TV executive bumuwelta sa nagsabing flop ang ‘Darna’; bakit parang si Joshua na ang bida at naetsapwera si Jane?
MATAPANG na binuweltahan ng mga taong nasa likod ng Kapamilya action-adventure series na “Mars Ravelo’s Darna” ang mga nangnenega sa kanilang programa.
Hindi pinalampas ng head ng JRB Productions na si Julie Anne Benitez ang mga hate comments ng ilang netizens patungkol sa lead actor ng serye na si Joshua Garcia.
Reklamo ng ilang viewers ng “Darna” bakit daw parang nakatutok na lang ang storyline kay “Brian”, ang karakter na ginagampanan ni Joshua. Feeling daw kasi nila parang nagiging supporting o second lead na lang si Jane de Leon sa “Darna”.
In fairness, nito ngang mga nakaraang linggo ay nag-viral at trending si Joshua dahil sa laplapan scenes niya with Janella Salvador bilang si Valentina and Jane as Darna.
In fact, naging isa pa nga ito sa trending list ng YouTube at ginawan pa ng parody ng isang vlogger na si “ChooxTv”.
Kasunod nga ng pangnenega ng mga bashers at haters ng “Darna”,
nag-react nga ang Kapamilya executive na si Julie Anne Benitez at sinagot ang bastos na komento ng isang basher.
View this post on Instagram
Aniya, napakaimportante raw ng role ni Joshua sa kuwento ng “Darna,” “Is this kind of language permitted in Twitter? I’m sorry, but Joshua’s character is very integral in our story.
“Been receiving so many good feedbacks about how his character. If you have anything to say, please say in a respectful manner. God bless you my dear!” aniya pa.
Sagot naman niya sa hater na nagsabing “flopsina” o flop ang kanilang serye, “If Darna is a flop, why are you watching? Anyway, bashers are welcome, dagdag twts and views. Please, magtawag ka pa. God bless you my dear!”
* * *
Ang bongga ni Erich Gonzales. Dalawang teleserye niya ay napapanood na sa iba’t ibang bansa. Hatid muli ng ABS-CBN sa mga masusugid na manonood sa ibang bansa ang ilan pang de-kalibre nitong teleserye, tampok ang mga programa nitong “La Vida Lena” at “The Blood Sisters” na pinagbidahan ni Erich.
Matapos unang ipalabas ang “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Sandugo,” “Bagong Umaga,” at iba pa, palabas na rin ngayon ang English-dubbed version ng revenge-serye nitong “La Vida Lena” sa StarTimes Channel sa Sub-Saharan Africa, kabilang ang South Africa, Kenya, at Zambia.
Unang ipinalabas sa Pinas sa iWantTFC, Kapamilya Channel, A2Z, at TV5, tampok sa serye ang kwento ni Magda/Lena (Erich) at ang kanyang paghihiganti kontra sa angkan ng mga Narciso matapos nakawin ang kanyang pinaghirapang negosyo at sirain ang kanyang tanging pamilya.
Samantala, napapanood na rin ang French-dubbed version ng kanyang 2018 teleserye na “The Blood Sisters” sa France TV sa iba’t ibang French territories tulad ng New Caledonia, Wallis and Futuna, Polynesia, at Reunion Island.
Hatid naman ng serye ang tatlong magkakambal na pinaghiwalay matapos ipanganak, pero ipagbubuklod muli ng tadhana ilang taon ang makalipas. Iba-iba man ang kanilang mga ambisyon at ang buhay na kanilang tinatahak, dito masusubok ang katatagan ng tatlo bilang magkakapatid.
Hanggang ngayon, kinikilala ang ABS-CBN sa paghahatid ng mga de-kalidad nitong mga teleserye, pelikula, at iba pang programa sa iba’t ibang dako ng mundo, kung saan nakapagbenta ito ng mahigit 50,000 hours ng content sa higit 50 na bansa abroad. Isa na rito ang naging kasunduan nito kamakailan sa Warner Bros. Discovery para ipalabas ang ilang lifestyle shows nito sa Asya.
Ilan din sa mga teleserye nitong umere abroad ay ang “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Sandugo,” at “Bagong Umaga” sa Africa, ang 2015 remake ng “Pangako Sa’Yo” sa Latin America, at “Huwag Kang Mangamba” sa Myanmar. Samantala, ang mga serye nitong “Hanggang Saan” at “The Good Son” ay nagkaroon ng sari-sariling drama adaptations sa Turkey.
Jane de Leon handang-handa nang makipagbakbakan kay Janella Salvador sa Darna: Magtutuos na kami!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.