Judy Ann Santos kay Angelica Panganiban: Isa ako sa mga taong nagmamahal at napakasaya ko para sayo | Bandera

Judy Ann Santos kay Angelica Panganiban: Isa ako sa mga taong nagmamahal at napakasaya ko para sayo

Therese Arceo |November 05,2022
facebook
share this

Judy Ann Santos kay Angelica Panganiban: Isa ako sa mga taong nagmamahal at napakasaya ko para sayo

Therese Arceo - November 05, 2022 - 09:34 PM

Judy Ann Santos kay Angelica Panganiban: Isa ako sa mga taong nagmamahal at napakasaya ko para sayo
NAGPAABOT ng pagbati si Judy Ann Santos sa kanyang malapit na kaibigang si Angelica Panganiban na ngayon ay nagse-celebrate ng kanyang kaarawan.

Sa pamamagitan ng Instagram stories ay ibinahagi ng actress-chef ang kanyang short but super sweet message nito para sa first-time mom.

“Happy happy birthday my sweet cindy! Nasayo na ang pinakamagandang regalo ng makukuha mo sa buong buhay mo.. hawak at kapiling mo araw-araw,” saad ni Judy Ann.

Dagdag pa niya, “Isa ako sa mga taong nagmamahal at napakasaya ko para sayo. We love you momma!”

Ni-reshare naman ni Angelica ang birthday greeting sa kanya ng kanyang Ate Judy Ann.

Reply ni Angge, “I love you dear ate haaabaaangbuhaaay (heart emoji).”

Isa si Judy Ann sa mga artista na masasabing talaga namang malapit na kaibigan at parang kapamilya na kung ituring ni Angge.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

Matatandaang noong nagkaroon ng tila post partum si Angelica kung saan inamin niyang ilang oras na siyang umiiyak sa hindi malamang dahilan ay ang kanyang Ate Judy Ann ang kanyang pinuntahan.

Ibinahagi pa nga niya ang ilang mga larawan nang kanilang pagkikita sa kanyang Instagram page.

“Magmula 1st trimester ng pregnancy, hanggang ngayon na nailabas ko na sa mundong ibabaw si Amila, walang tigil si ate juday (Judy Ann) sa pagpapadala ng care packages,” pagbabahagi ni Angelica.

Biro pa niya, kulang na nga lang daw ay ito na ang magpaanak sa kanya sa sobra nitong pag-aalaga sa kanya.

Pagpapatuloy ni Angelica, may isang araw daw kung saan wala siyang ibang ginawa kung hindi umiyak ng 3 hours, na marahil ay epekto ng postpartum, hinikayat siya ni Gregg na baka gusto niyang makita si Judy Ann.

At para na nga rin daw sa kanyang mental health niya ay agad siyang pumayag sa suhestiyon ng kanyang partner.

Sa hiwalay na Instagram post naman ay ibinandera ni Judy Ann ang pagiging proud niya kay Angge at sa kung paano ito maging ina kay Baby Bean.

“Ang sarap mong panoorin ..pagmasdan at pakinggan.. dahil alam kong ito talaga ang matagal mong hinintay at ipinagdasal.. deserve na deserve mo dahil handang handa ka na,” saad ni Juday kalakip ang larawan ni Angelica habang inaasikaso ang kanyang baby girl.

Dagdag pa niya, “Binuo ka at pinagtibay ng Panginoon dahil may tamang tao talaga na ibibigay sayo.. yung aalagaan ka at mamahalin ka ng buong buo.. napakasaya ko para sayo sweetheart.”

Related Chika:
Angelica Panganiban umiyak ng 3 oras, Judy Ann Santos to the rescue

Judy Ann Santos tigil muna sa cooking vlogs dahil sa pagtaas ng bilihin: Ayokong hindi maka-relate ‘yung viewers

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Juday nagsalita na tungkol sa naging tunay na relasyon nila ni Rico Yan: Bargas na tao rin at napakatotoo

Juday ipinagdasal ang pagdating ni Ryan: Ito pala ‘yung feeling na niyayaya kang mag-date, dinadalaw ka sa set

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending