Annabelle Rama sumusumpang hindi nagparetoke para bumata ang itsura: Unang-una, takot ako sa operation at injection | Bandera

Annabelle Rama sumusumpang hindi nagparetoke para bumata ang itsura: Unang-una, takot ako sa operation at injection

Ervin Santiago |November 01,2022
facebook
share this

Annabelle Rama sumusumpang hindi nagparetoke para bumata ang itsura: Unang-una, takot ako sa operation at injection

Ervin Santiago - November 01, 2022 - 09:56 AM

Annabelle Rama sumsumpang hindi nagparetoke kaya biglang bumata: Unang-una, takot ako sa operation at injection

Annabelle Rama

VIRAL ngayon ang mga litrato at video ng nanay nina Ruffa, Richard at Raymond Gutierrez na si Annabelle Rama na kuha sa kanyang 70th birthday celebration.

Kahapon, October 31, ang eksaktong kaarawan ng matapang at palabang talent manager pero ipinagdiwang na niya ito last week kasama ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan in and out of showbiz.

Kasunod nito, kumalat na nga ang balitang nagparetoke raw si Tita Annabelle base raw sa mga kumalat na litrato at ilang video clips na kuha sa kanyang birthday party.

Bigla raw kasing bumata ang itsura ng misis ng veteran actor na si Eddie Gutierrez kaya ang feeling nila, may ipinagawa si Annabelle sa kanyang mukha.

Ilang netizens din ang nagsabing magkamukha na raw sila ni Aiko Melendez habang may mga nagkomento naman na parang mag-sister lang sila ng anak niyang si Ruffa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Annabelle Rama (@annabelleramaig)


Nang mabasa ni Annabelle ang mga reaksyon ng netizens, nag-post siya sa Facebook at Instagram kahapon (mismong kaarawan niya) at mariing itinanggi na nagparetoke siya ng mukha o anumang parte ng kanyang katawan.

“Ang daming nag-comment na I look so young baka daw nagparetoke ako.

“Simula ng bata pa ako hanggang ngayon never akong nagpagawa sa mukha at sa buong katawan ko.

“What you see is what you get at unang-una, takot ako sa operation at injection,” paglilinaw ng talent manager.

Sey ng nanay nina Ruffa, hindi naman daw siya nagagalit at naiinsulto sa mga nagsasabing isa na rin siyang certified retokada dahil wala naman daw itong katotohanan.

“Thank you sa mga negative at positive comments. Nag-enjoy akong basahin lahat at sa lahat ng nagmamahal sa akin at sa family ko DAGHANG SALAMAT,” sabi pa ni Annabelle gamit ang hashtag na “#ForeverYoung.”

Annabelle Rama ibinuking kung sino ang ka-text ni Ruffa sa ‘It’s Showtime’

‘New look’ ni Annabelle Rama, aprub sa mga netizens: ‘Mas bumata ka po’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Annabelle Rama ipinagtanggol si Jinkee laban sa reporter na ‘mapanira at mukhang pera’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending