Ivana Alawi rumampa sa ukay-ukay kasama ang nanay at ate, may papremyong P50k | Bandera

Ivana Alawi rumampa sa ukay-ukay kasama ang nanay at ate, may papremyong P50k

Pauline del Rosario |October 31,2022
facebook
share this

Ivana Alawi rumampa sa ukay-ukay kasama ang nanay at ate, may papremyong P50k

Pauline del Rosario - October 31, 2022 - 07:16 PM

Ivana Alawi rumampa sa ukay-ukay kasama ang nanay at ate, may papremyong P50k

PHOTO: Screengrab from Ivana Alawi’s YouTube vlog

KINAALIWAN sa social media ang bagong vlog ng YouTuber at aktres na si Ivana Alawi.

Ang kanyang gimik ay ang “Ukay Shopping Challenge” kasama ang kanyang ina na si Mommy Alawi at ate na si Amira.

Ikinuwento pa ni Ivana na dati pa siyang bumibili sa ukay-ukay at ang huli niyang bisita rito ay dalawang taon nang nakakaraan.

“I think ‘yung last balik ko ay bago mag-pandemic,” sey niya.

Ibinunyag pa niya na mahilig mag-shopping sa ukay-ukay ang kanyang ina at halos ginagawa na raw itong tambayan.

Chika ng vlogger, “Fun fact, mahilig na mahilig ang nanay ko sa ukay-ukay.

“Dati, feeling ko mga 4 years ago, kapag nawawala ‘yung nanay ko tapos hindi namin mahanap, alam na namin na nasa ukay-ukay siya.”

Patuloy pa niya, “Tambayan niya ‘yun, doon niya gustong namimili at ako rin dati doon din namimili kasi ang ganda dati ng mga nahahanap ko, mga swertehan diba kapag maganda ‘yung nakuha mo.”

At siyempre, bilang challenge nga ang vlog ni Ivana ay may kakaiba itong twist na bukod sa puro shopping lang ang gagawin nila, limitado lang hanggang P1,000 ang dapat nilang mabili.

May pa-premyo pa ang aktres ng halagang P50,000 para sa may pinakamagandang outfit na nabili sa ukay-ukay

Ang magsisilbing judge sa challenge ay ang netizens na nanonood ng kanyang vlog sa pamamagitan ng pag-comment ng napili nilang panalo.

“Ayan guys mamili na kayo, sabihin niyo kung aling outfit ang pipiliin mo,” sey pa ni Ivana.

Mapapanood sa Youtube video na nag-enjoy mamili ang tatlo at tuwang-tuwa din sila dahil naka 70% off ang ukay-ukay.

Napiling ipanlaban ni Amira ay isang black dress.

Si Mommy Alawi naman game na isinuot ang red flower dress at black heels.

Habang ang isinuot ni Ivana ay isang long sleeves lace top na kita ang binili niyang bra, ripped jeans at LV na nude heels.

October 30 nang inupload ni Ivana ang video at as of this writing ay libo-libong netizens na ang nagco-comment at bumoboto.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“I think ate Amira won this challenge, she was able to put up a decent outfit whilst buying his son stuff, parang lahat ng toys for Gabe agad eh haha. Cuteee”

“Personally, Ivana WON this challenge with ease because you can tell with her ensemble that she was able to achieve that ‘editorial’ look! Also, I love how the heels made the entire outfit look polished.”

“Mama Alawi is super sosyal on her ball gown dress…Amira give it hustisya on her black dress super dinala niya talaga ito to the point na all out gimekera ang peg niya…And Ivana rock it!!!”

Sa tingin niyo mga ka-bandera, sino kaya  ang panalo sa challenge na ito?

Read more:

Alex Gonzaga, Ivana Alawi piniling patawarin si Zeinab Harake: ‘Lahat naman ay nagkakamali’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xian Gaza binawi ang paratang kay Ivana Alawi: Sorry if I hurted your peelings 

FB page ni Ivana Alawi bigla na lang nawala: No warning, no violation, no report, no e-mail…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending