Anak nina Sophie Albert at Vin Abrenica isinugod sa ospital matapos maaksidente sa mall: Sumubsob siya sa wall... | Bandera

Anak nina Sophie Albert at Vin Abrenica isinugod sa ospital matapos maaksidente sa mall: Sumubsob siya sa wall…

Ervin Santiago |October 31,2022
facebook
share this

Anak nina Sophie Albert at Vin Abrenica isinugod sa ospital matapos maaksidente sa mall: Sumubsob siya sa wall…

Ervin Santiago - October 31, 2022 - 09:45 AM

Anak nina Sophie Albert at Vin Abrenica isinugod sa ospital matapos maaksidente sa mall

Sophie Albert, Vin Abrenica at Avianna

ISINUGOD ng engaged couple na sina Sophie Albert at Vin Abrenica ang kanilang anak na si Avianna sa ospital matapos maaksidente sa isang shopping mall.

Ibinahagi ng celebrity mom sa isang vlog ang kinasangkutang aksidente ng anak nila habang sila ay namamasyal sa mall.

Mapapanood sa video ang mga naging kaganapan nang dalhin na nila sa ospital ang bagets hanggang sa ipasok na nga ito sa emergency room.

Pahayag ni Sophie, “Dumiretso kami sa ER because Avianna fell down, hit her shoulder on the wall sa may door.

“She was walking into the door, Vin was holding her hand so nagpapabigat siya, then sumubsob siya sa wall. Her shoulder hit the wall,” kuwento ng Kapuso actress.

Pagpapatuloy ng misis ni Vin, “We tried to console her, we tried to do everything pero she was really in pain.

“She didn’t want anyone to touch her arm. We decided to have her checked na lang in the hospital,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sophie Albert 🌸 (@itssophiealbert)


Chika pa ni Sophie, nang dumating na sila sa ER ng ospital ay bigla na raw tumigil sa pag-iyak si Avianna na parang walang nangyari.

“Parang bali talaga, no? Ano ‘yan, artista?” natatawang reaksyon ni Vin. Sey naman ni Sophie talagang may pagka-drama queen daw kung minsan si Avianna.

Sa kabila nito, pinaalalahanan pa rin ng celebrity couple ang mga kapwa nanay at tatay na maging maingat kapag namamasyal sa iba’t ibang lugar lalo kung kasama ang mga anak.

Aniya, hindi raw talaga maiaalis sa mga magulang ang mag-alala nang bonggang-bongga kapag may iniindang sakit ang mga anak. Sa katunayan, talagang nag-panic daw siya dahil sa nangyari kay Avianna.

“Konting sinat lang sila, ikaw bilang magulang, sobra kang nag-aalala,” ani Vin na umaming sinisisi raw niya ang sarili sa nangyari sa anak.

Isinilang ni Sophie ang panganay nila nila Vin noong March, 2021. Sa ngayon ay inaasikaso na ng engaged couple ang kanilang wedding na mangyayari na very, very soon.

Vin, Sophie ipinakilala na sa publiko ang kanilang ‘giant baby’, pinangalanang Avianna Celeste

Pamilya ni Sophie Albert tinamaan din ng COVID-19; tinawag na himala ang nangyari sa ama

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vin emosyonal sa bagong vlog dahil kay Ava: Amuyin at panggigilan n’yo lagi ang baby n’yo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending