JM de Guzman umamin na sa tunay na feelings kay Donnalyn Bartolome: 'May gusto ako sa kanya...' | Bandera

JM de Guzman umamin na sa tunay na feelings kay Donnalyn Bartolome: ‘May gusto ako sa kanya…’

Ervin Santiago |October 31,2022
facebook
share this

JM de Guzman umamin na sa tunay na feelings kay Donnalyn Bartolome: ‘May gusto ako sa kanya…’

Ervin Santiago - October 31, 2022 - 08:04 AM

JM de Guzman umamin na sa tunay na feelings kay Donnalyn Bartolome: 'May gusto ako sa kanya...'

Donnalyn Bartolome at JM de Guzman

MARAMING boto sakaling magkatuluyan nga sina JM de Guzman at Donnalyn Bartolome. Aprub na aprub sa mga fans kung magiging magdyowa nga ang dalawa.

Kamakailan ay naging hot topic sa social media ang inihandang surprise birthday celebration ni Donnalyn kay JM. Mismong ang aktor ang nag-post sa social media ng mga litrato na kuha sa kanyang party.

“@donna may ginintuan kang puso para mabigyan mo ako ng pagkakataon na lumigaya. hindi pa ako nasorpresa ng ganito at lubos ang aking ligaya. napaka buti mong tao. sobrang swerte siguro ng magiging boyfriend mo,” ang bahagi ng mensahe ng pasasalamat ni JM kay Donnalyn.

Inamin naman ni JM na talagang napakalaki ng paghanga niya kay Donnalyn. “May gusto ako sa kanya. Isa niya akong tagahanga. Nanliligaw? Sana, nagpaparamdam,” ang pahayag ni JM sa isang panayam.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman)


Ayon sa mga netizens na nagkokomento sa pagkakamabutihan ng ng aktor at ng vlogger, bagay na bagay ang dalawa at sana’y sila na nga ang magkatuluyan sa ending.

Sa ipinakikitang concern at pag-aalaga ni Donnalyn kay JM ay hindi raw imposibleng magustuhan niya ang binata. Reaksyon ni JM, “Ganu’n lang talaga siya, e. Ganu’n lang talaga.”

Sa tanong kung ano na ba talaga ang relasyon nila ni Donnalyn? “We’re very close friends. Nagkasama kami sa Probinsyano Partylist.”

Matagal-tagal na rin daw silang magkakilala at magkaibigan ni Donnalyn, “Sobrang bait niya, intelligent, sobrang headstrong, wise, responsable, and independent.”

Natanong din kay JM ang tungkol sa buhay ngayon ng dati niyang girlfriend na si Jessy Mendiola na kasal na ngayon kay Luis Manzano at buntis na sa una nilang baby.

Sabi ni JM, masaya siya sa estado ng buhay ngayon ni Jessy kasama si Luis, “Oo naman, happy ako for them. Feeling ko ang cute ng baby nila.”

Sey pa ng aktor, handa na rin siyang magkaroon ng dyowa, “Oo naman, matagal-tagal na rin akong walang relasyon.”

Muling mapapanood si JM sa upcoming Kapamilya series na “Linlang” kasama sina Maricel Soriano, Paulo Avelino at Kim Chiu. Aniya, ngayon pa lang ay inaatake na siya ng matinding nerbiyos.

“Unang-una, dahil first time ko sa Dreamscape, first time ko makakatrabaho sila Paulo Avelino. Si Kim Chiu sa movie pa lang, sa teleserye first time. Si Ms. Maricel first time din. Bale magkapatid kami dito ni Paulo.

“Nagte-training kami ng boxing for Linlang, Monday, Wednesday, Friday. Kinakabahan, oo, sobra!” aniya pa.

Donnalyn Bartolome ‘biniktima’ si Ryan Bang, humingi ng P100k para sa talent fee

JM de Guzman sinorpresa ni Donnalyn Bartolome: Nabigyan mo ako ng pagkakataong lumigaya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Donnalyn Bartolome may pakiusap sa netizens para kay Zeinab Harake: Be kind

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending