Gerald sanay na sa mga tsismis at intriga: May love scene kami ni Ivana na lumabas, biglang na-link na ako sa kanya | Bandera

Gerald sanay na sa mga tsismis at intriga: May love scene kami ni Ivana na lumabas, biglang na-link na ako sa kanya

Alex Brosas |October 30,2022
facebook
share this

Gerald sanay na sa mga tsismis at intriga: May love scene kami ni Ivana na lumabas, biglang na-link na ako sa kanya

Alex Brosas - October 30, 2022 - 03:14 PM

Gerald sanay na sa mga tsismis at intriga: May love scene kami ni Ivana na lumabas, biglang na-link na ako sa kanya

Gerald Anderson at Ivana Alawi

WALA nang masyadong effect kay Gerald Anderson kapag inili-link siya sa kanyang leading ladies sa mga teleserye at pelikula.

“Hindi na ganoon ang effect sa akin. Dati, laging may tanong. Sa social media, sa Facebook, kung anu-anong sinasabi doon, eh.

“Kahit ano na talaga. Nakakatawa siya. Minsan natatawa na lang ako talaga,” say ni Gerald sa finale mediacon ng “A Family Affair”.

Ang feeling ng aktor, hindi naman niya makokontrol ang iisipin at sasabihin ng netizens sa social media.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr)


Since free for all ang platform na iyon, walang magagawa ang isang personality na kagaya niya kung agad-agad na maniwala ang mga netizens sa nababasa nila sa Facebook or Twitter.

“Hindi ko na control ‘yun. Hindi ko talaga ma-control ‘yun. Nasanay na ako,” say ng binata.

Since may love scenes sila ni Ivana Alawi sa “A Family Affair”, may mga instances na inili-link sila sa isa’t isa. But for Gerald, wala na ngang effect iyon. Hindi na siya masyadong naaapektuhan.

“May love scene kami ni Ivana Alawi na lumabas. Biglang na-link na ako sa kanya,” say ng binata.

Although he can’t do anything about it, ayaw namang limitahan ni Gerald kung sino ang makakatrabaho niyang aktres sa kanyang mga project.

“Alangan namang hindi na ako gumawa ng magandang proyekto,” say niya. “Wala, sanay na siguro,” dagdag pa niya.

* * *

Surprised na surprised sina Gelli de Belen and Cris Villanueva sa kanilang MarKap love team sa  “2 Good 2 Be True”.

Sa finale presscon ng series na number one sa Netflix, we asked about their reaction sa hindi inaasahang love team between them.

“Surprising. Parang it was not part of any plan. We had a scene na inaaway ako ni Gelli kais ayaw kong pagbigyan na nagrereklamo siya sa presinto.

“So, it started there. ‘Ah, eh, kung magkaroon kaya ng gusto siu Kap doon kay Margie?’ Parang gano’n. they look for a way, parang gano’n,” say ni Cris.

Mel del Rosario, the creative manager of the show said, “It grew kasi noong una, we experimented na tension and then grabe ‘yung response so sinakyan na rin namin. We pushed the story.”

“Surprised din kami sa set, lalo na si Cris. Sige, paglaruan na natin because it was fun doing it. And it’s easy pa to do it with somebody who’s game also. Komportable kami sa isa’t isa. That’s one of the reasons why I think it worked, eh. It was easy because we’re comfortable,” say naman ni Gelli.

“It was out first time to do something like this. Madalas kaming nagkakapartner sa mga MMK, mga drama talaga. Meron pa nga, nagpatayan pa kami. So, tio bago na love team pa,” dagdag ni Cris.

Nasa huling dalawang linggo na lang ang “2 Good 2 Be True” kaya kapana-panabik ang mga eksena between Kathryn Bernardo as Ali and Daniel Padilla as Eloy.

Ilang netizens kumampi kay Gerald, Bea sinabihan ng, ‘Shut up na lang!’

Kim Chiu 2 beses nang nabakunahan; nakaranas ng bonggang ‘side effect’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aiko ayaw insultuhin si Jomari: Bilang single mom, iginapang ko ang anak ko para makatapos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending