Toni Fowler may 'horror story' sa butt enhancement: Motor oil ang nalagay sa akin | Bandera

Toni Fowler may ‘horror story’ sa butt enhancement: Motor oil ang nalagay sa akin

Therese Arceo |October 29,2022
facebook
share this

Toni Fowler may ‘horror story’ sa butt enhancement: Motor oil ang nalagay sa akin

Therese Arceo - October 29, 2022 - 05:37 PM

Toni Fowler may 'horror story' sa butt enhancement: Motor oil ang nalagay sa akin
MULING inalala ng vlogger at social media influencer na si Toni Fowler ang kanyang malagim na karanasan noon sa kanyang butt enhancement.

Aware naman ang lahat ng mga sumusuporta at nakakakilala sa vlogger na ilang retoke na rin ang ginawa niya sa kanyang katawan dahil ibinabahagi naman niya ito sa madlang pipol.

Pag-amin ni Toni sa kanyang panayam kay Karen Davila, peke ang kanyang unang nakilalang doktor noon at sa kasamaang palad ay “nabulok” ang parte ng katawan na kanyang ipina-enhance.

Kaya naman para masolusyunan ito at huwag nang lumala pa, sumailalim siya sa isa pang cosmetic surgery.

“Kaya po ako nagpalaki ng puwet kasi ay limang piso kada talbog pag nagtu-twerk,” birong saad ni Toni.

Nagsimula kasi talaga siya bilang isang mananayaw at sa katunayan ay isa siya sa mga naging “It’s Showtime” dancers.

“Nagkaroon po talaga ako ng accident sa balakang,” sey ni Toni nang magseryoso.

Base sa kuwento niya ay may isa raw siyang kaibigan na nagsabing may kakilala itong murang doktor at doon nga siya nagpakonsulta at nagpa-inject.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Fowler (@tonifowlerpo)

“To make the long story short, ano pala, motor oil [ang na-inject]. Motor oil ang nalagay sa akin. So nangitim,” sabay hawak sa kanyang kanang hita.

At agad nga raw siyang kumunsulta sa doktor upang alamin kung bakit biglang nangitim ito.

“Sabi niya, ‘Namamatay ang balat mo. Nabubulok ka nang buhay’… Kinaskas yung nilagay sa akin. Tinanggal tapos lalo akong nawalan ng puwet tsaka balakang. Tinanggal yung infected part, pati sa puwet. So mas lumiit,” pagkukuwento pa ni Toni.

Hindi na nga raw niya nahabol ang pekeng doktor na nagturok sa kanya ng motor oil dahil hindi na niya ito mahagilap.

Matapos nito ay sumangguni naman si Toni sa isang cosmetic surgeon para sa butt augmentation.

Una raw niyang sinabi na lagyan siya ng silicone ngunit inirekomenda raw sa kanya ang Brazilian butt lift, isang specialized fat transfer na hindi na kailangang gamitan ng implant.

Sey ni Toni, “Pinataba niya ako ng three months. ‘Tapos kinuha niya ang fats ko dito,” sabay turo sa kanyang mga braso.

“And then 360 [degrees], pati sa bra line. Nilagay niya ang fats ko sa puwet at balakang ko,” pagpapatuloy pa niya.

Chika pa niya, natural way pa rin ang kanyang butt enhancement dahil sariling fats niya rin ang inilagay rito.

Related Chika:
Toni Fowler nakatanggap ng P32-M worth ng life insurance mula sa dyowang vlogger

Toni Fowler pinatawad na si Zeinab: Thumbs up ako sa kanya, kahit napahiya ko siya hindi pa rin nagpaandar ng pride

Toni Fowler ‘dinibdiban’ si Alex Gonzaga, ibinunyag ang kandidatong sinusuportahan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Toni Fowler 4 na FB account na ang nawala: Ilang taon mong paghihirapan tapos biglang BOOM!

Marco hindi nag-plaster nang maghubo’t hubad sa ‘Manananggal’, may inamin tungkol kay ‘junjun’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending