Toni Fowler pinatawad na si Zeinab: Thumbs up ako sa kanya, kahit napahiya ko siya hindi pa rin nagpaandar ng pride | Bandera

Toni Fowler pinatawad na si Zeinab: Thumbs up ako sa kanya, kahit napahiya ko siya hindi pa rin nagpaandar ng pride

Ervin Santiago - October 26, 2022 - 07:35 AM

Toni Fowler pinatawad na si Zeinab: Thumbs up ako sa kanya, kahit napahiya ko siya hindi pa rin nagpaandar ng pride

Zeinab Harake at Toni Fowler

“ACTUALLY, pangit din naman yung ginawa ko kasi sinabihan ako ng hindi maganda tapos nagsabi rin ako ng hindi maganda.”

Yan ang pag-amin ng vlogger at social media influencer na si Toni Fowler sa kanyang Facebok Live na napanood din sa YouTube nitong nagdaang Lunes, October 24, kaugnay ng hidwaan nila ni Zeinab Harake.

Kasabay nito, pinatatawad na rin daw niya ang kapwa vlogger matapos mag-sorry sa lahat ng pinagsasabi nitong kanegahan tungkol sa kanya at sa iba pang sikat na YouTubers.

Kabilang na nga riyan ang pagtawag ni Zeinab kay Toni at sa kanyang pamilya ng “trash”, base sa mga screenshot na ibinahagi ng talent manager-businessman at vlogger din na si Wilbert Tolentino.

Nagsimula ang isyu sa cryptic message ni Zeinab tungkol sa isang taong “traydor” at “user.” Feeling ni Wilbert, siya ang tinutukoy ng dalaga kaya nag-post din siya sa social media ng tungkol sa taong “bait-baitan sa harap ng kamera kahit attitude in real life at higit sa lahat user.”

Kasunod nito, naglabas nga ng vlog sa kanyang YouTube channel si Wilbert na may titulong “ANG REBELASYON” noong Linggo at  inaming si Zeinab nga ang pinatatamaan niya sa kanyang Facebook post.

Sa rebelasyon ni Wilbert, nabanggit nga ang pangalan nina Toni Fowler, ang Toro family, Makagago, Makagwapo, mga talent ng Star Image at si Whamos. Sabi ng talent manager, sinisiraan nga raw ni Zeinab ang mga nabanggit na vloggers noong mag-usap sila tungkol sa possible collaboration.

Nang malaman ito ni Toni agad niyang niresbakan si Zeinab, “Gusto mo ng mind f*ck, I give you my f*ck, p*t*ng i*a. Hindi tayo papayag nang ganu’n.

“Sasabihin na naman ng ibang tao na nakikisali ako. Pero kung hindi naman na-drag ang pangalan ko, hindi naman ako makikisali. Totoong nagpatawad ako kay Zeinab. May anak ka nang tao kaya naiintindihan kita.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Fowler (@tonifowlerpo)


“Sinabihan mo ako ng trash okay lang, pero ang hindi ko matanggap at hindi ko siguro mapapatawad dahil hindi ko naman hawak ang utak ng iba ay ang sarili kong pamilya, ang Toro family, para tawagin mong trash. Tatawagin mong trash yung pamilya ko, mali ka du’n.”

Sey pa ni Toni, “Tinawag mo akong trash, nag-sorry ka sa akin dati, walang problema. Pero yung pamilya ko, bakit mo kailangang tawaging trash? Bakit ganun mo kami tingnan?

“May mga bata du’n, maling-mali yun. Bakit ganun yung tingin mo sa kapwa mo social media artist? Kung tutuusin, hindi ko rin pangarap na makipag-collab sa inyo para makipag plastikan,” aniya pa.

At nito ngang Lunes, muling nagsalita si Toni at sinabing nag-sorry na si Zeinab sa kanya at sa kanyang pamilya, “Tama na tayo sa mga chismis, guys. Tapos na yun.

“Actually, pangit din naman yung ginawa ko kasi sinabihan ako ng hindi maganda tapos nagsabi rin ako ng hindi maganda.

“Kasi alam niyo, minsan talaga pangit man pakinggan, pero kailangan pinapaalala mo rin sa ibang tao na tao ka lang din, ganu’n lang yun.

“Pero siyempre, ang ending naman nito ay magpatawad. Siyempre, humingi ng tawad ulit.

“Isipin niyo yun, ha. After kong magsalita sa Live kagabi, after kung anu-ano yung sinabi ko na masakit at totoo, sinabi ko yun, nagpahiya rin ako ng tao kasi pinahiya rin yung pamilya ko.

“After kong sabihin yun, ang naging message pa rin ni Zeinab… para sa pamilya ko ay sorry. So, sa part na yun, thumbs up talaga ako kay Zeinab dahil kahit napahiya ko siya, hindi pa rin siya nagpaandar ng pride.

“Gumanti ako, e, nagpadala ako sa nararamdaman ko, pero humingi pa rin siya ng tawad sa aming lahat. So, ako, okay na ako du’n, wala na akong hate. Ako pa ba?

“Sa lahat ng magagawan mo ng mali, ako pa ba? Madali akong kumalma at magpatawad,” sabi pa ni Toni.

Bukod dito, ipinost din ni Toni sa kanyang Facebook page kahapon ang screenshot ng palitan nila ng mensahe ni Zeinab sa Instagram.

Sabi ni Zeinab kay Toni, “Hello ate, again gusto ko lang ho ulit humingi ng pasensya alam ko abot at naiintindihan mo ko base sa kwento ni MG. gusto ko lang mag sorry sa inyo lahat, pasensya na talaga (pray emoji).”

Sagot naman ni Toni, “Zeinab. Pinahiya kita. Ginantihan kita. Pero eto ka nagsosorry. Saludo ako sayo dyan.

“Ingatan mo ang sarili mo at ang tao sa paligid mo. Hihingi din ako ng pasensya dahil palamon ako sa emosyon ko para sa pamilya ko. Pangit ang ginawa ko sayo pabalik pero hindi ka nag pride. Salamat don at ok na kami ng pamilya ko dito. Lahat ay may kapatawaran (pray emoji).

“Lahat sana ay maging ok para sa team mo at lalong lalo na kay BIA (heart emoji),” paalala pa ni Toni kay Zeinab.

Zeinab Harake gusto namang mag-try ng gwapong dyowa; mas gaganda ang buhay ngayong hiwalay na kay Skusta Clee

Zeinab Harake kumikita nga ba ng P7.2-M sa YouTube?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zeinab Harake natatakot pasukin ang mundo ng showbiz, hindi kayang magpa-sexy: Kasi po babae ang anak ko…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending