MG nagpasalamat kina Wilbert at Zeinab dahil sa 'views': Kung wala kayo wala akong pang good time | Bandera

MG nagpasalamat kina Wilbert at Zeinab dahil sa ‘views’: Kung wala kayo wala akong pang good time

Therese Arceo |October 28,2022
facebook
share this

MG nagpasalamat kina Wilbert at Zeinab dahil sa ‘views’: Kung wala kayo wala akong pang good time

Therese Arceo - October 28, 2022 - 08:41 PM

MG nagpasalamat kina Wilbert at Zeinab dahil sa 'views': Kung wala kayo wala akong pang good time
THANKFUL ang isa ring content creator na si MG o Mark Jayson Warnakulahew sa kapwa vloggers na sina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino.

Ito ay kaugnay sa naging kontrobersyal na rebelasyon ng talent manager sa diumano
My “pangit” na pag-uugali raw ng sikat na social media influencer.

Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi ni MG ang larawan kasama ang kanyang partner kung saan tila kuha ito sa kanilang naging date.

Chika niya, kung hindi raw nagkaroon ng issue ang dalawa ay hindi siya magkakaroon ng pera para sa kanilang good time ng partner niya.

“Salamat kay ZEINAB AT KAY WILBERT (SANA MAGKA AYOS PA KAYO) Kung wala kayo wala akong pang good time. Sa ibang mga influencers dyan, pag nagkakaroon ng issue ang mga kapwa nyo vloggers magpasalamat kayo ha! Kundi wala kayong views hahaha,” saad ni MG.

Hinikayat rin nga niya ang kapawa influencers na magpasalamat sa dalawa dahil nakatulong ang isyu ng dalawa para magkaroon sila ng views sa kanilang vlogs at Facebook live videos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wilbert Tolentino (@sirwil75)

Pag-amin pa niya, nag-trending daw ang content na ginawa niya kaugnay ng isyu ng dalawa na nasa Top 6 at Top 8.

Matatandaang ginulat ni Wilbert Tolentino ang madlang pipol sa kanyang video na agad na nag-viral kung saan maraming vloggers at celebrities ang nadamay.

Pero bago pa man ang pa-revelation ni Mamshie Wilbert ay naglabas na ng video si MG kung saan pinagtatanggol niya ang kaibigang si Zeinab sa mga parinig ng talent manager sa social media.

Related Chika:
Wilbert Tolentino may hugot sa mga ‘user’ at ‘pa-victim’, patama kay Zeinab Harake?

JaMill pinuntahan ng taga-BIR sa bahay: Inaasikaso na po namin ngayon sa tamang paraan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

YouTube vloggers na nang-iintriga kina Sharon at Kiko, sinampahan na ng reklamo

Ogie Diaz tumanggi sa bayad ni Wilbert Tolentino nang makipag-collab sa kanya: I-donate mo na lang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending