Rihanna may bagong kanta after 6 years, fans sabik na sa kanyang pagbabalik: ‘The moment we've been waiting for…’ | Bandera

Rihanna may bagong kanta after 6 years, fans sabik na sa kanyang pagbabalik: ‘The moment we’ve been waiting for…’

Pauline del Rosario |October 27,2022
facebook
share this

Rihanna may bagong kanta after 6 years, fans sabik na sa kanyang pagbabalik: ‘The moment we’ve been waiting for…’

Pauline del Rosario - October 27, 2022 - 05:50 PM

Rihanna may bagong kanta after 6 years, fans sabik na sa kanyang pagbabalik: ‘The moment we've been waiting for…’

PHOTO: Instagram/@badgalriri

THE long wait is over, Rihanna fans!

Ilalabas na kasi ng superstar ang kanyang bagong kanta matapos ang anim na taong pahinga sa music industry.

Sa Instagram ng singer ay ibinandera niya ang isang audio teaser na kalakip sa caption ang title ng kanta na “Lift Me Up” na nakatakdang i-release sa October 28.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by badgalriri (@badgalriri)

Ang bagong solo song ni Rihanna ay isa sa magiging soundtrack sa bagong pelikula ng Marvel na “Black Panther: Wakanda Forever.”

Taong 2016 pa nang huling mag-release ng kanta ang singer at ito ang “Love on the Brain.”

Pati ang fans, sabik na sabik na sa muling pagbabalik ng music icon.

Narito ang ilan sa mga komento sa latest post ni Rihanna.

“Already feel like I’m going to cry.”

“The moment we’ve been waiting for (red heart emoji) New Era Ri! Let’s goooo!!!”

“FINALLYYYY IT’S REALLY TIME!!!”

“U sound like an angel (pink heart emoji) love u baddie boo @badgalriri

Bukod pa sa bagong kanta, pangungunahan din ni Rihanna ang “2023 Super Bowl Halftime Show” na magaganap sa Pebrero sa Glendale, Arizona sa Amerika.

Wala pang detalye sa magiging performance niya, pero ang executive producer ng show ay ang hip-hop mogul na si Jay-Z.

Taon-taong inaabangan ang magarbong halftime performances sa Super Bowl na isa sa most-watched sporting event sa mundo.

Matatandaang kaya nahinto sa paggawa ng kanta si Rihanna dahil naging abal ito sa kanyang mga negosyo na may kaugnayan sa high-fashion collections, lingerie, at makeup.

Tinutukan niya rin ang pag-aalaga sa kanyang first baby with rapper A$AP Rocky na isinilang noong Mayo.

Read more:

Nadine Lustre inspirasyon sa bagong kanta ni James Reid

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

P-pop star Jace Roque malalim ang hugot sa bagong kanta, may inamin tungkol sa mga magulang

Music video ng bagong kanta ni James Reid kasama si Kelsey Merritt trending, netizens nawindang sa mga eksena

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending