P-pop star Jace Roque malalim ang hugot sa bagong kanta, may inamin tungkol sa mga magulang
PWEDE na ring tawaging “Hugot Popstar” ang singer-composer na si Jace Roque dahil sa kanyang mga hit songs na talagang tumatagos sa puso.
Pagkatapos mag-hit ang huli niyang single na “Trust” (ang ikatlong track sa album niyang Inferno na umabot na sa mahigit 1 million views), naglabas na naman si Jace ng bagong kanta na talaga namang makabagbag-damdamin ang atake at mensahe.
Nakachikahan namin ang isa sa mga nangungunang P-Pop soloist sa bansa at super happy nga siya ngayon dahil sa bonggang good news na natanggap niya nitong mga nakaraang araw.
Bukod sa pag-release niya ng bagong kantang “Back to the Beginning”, nominado rin siya para sa People’s Voice Favorite Male Artist category sa 35th Awit Awards na magaganap sa November 23, 2022, sa Newport Performing Arts Theater.
Kung humugot si Jace sa mga mapapait na karanasan niya sa lovelife para mabuo ang kantang “Trust”, ang relasyon naman niya noon sa kanyang pamilya ang tema ng “Back to the Beginning.”
“Inspiring at may optimistic vibe and outlook ang kanta, pero malungkot at punumpuno ng hugot yung lyrics and has a more painful meaning. Duality is very important in my tracks. There always has to be a balance between light and dark,” sabi ng singer at composer.
“Actually, ang ‘Back to the Beginning’ ay ang mga struggles ko growing up. Napakarami at napakataas ng expectations sa akin ng parents ko noon.
“Feeling ko talaga nothing I ever do is ever enough for them sa kabila ng mga ginagawa at naa-achieve ko, nandoon lagi yung double standards, ‘yung mga struggles talaga ng anak.
“Kaya ko nagawa ang song na ito. Lahat ng naramdaman ko that time, inilabas ko rito. Sabi ko nga, kung bibigyan ng chance, gusto kong bumalik sa younger years ko pa na siguro mga 5 or 6 years old, ‘yung masaya ka lang. ‘Yun ang gusto kong i-share sa ‘Back To The Beginning,'” ani Jace.
“Para talaga ito sa lahat ng parents, gusto kong i-impart na times are changing kaya dapat ‘yung parenting style nagbabago at nag-a-adapt din. Ang mga magulang dapat ang unang sumusuporta at nagbibigay ng unconditional love and support sa nga anak.
“Kaya nakaka-relate ako kapag sinasabing napakahirap magpalaki ng magulang. Kasi minsan sila pa ang unang babasag sa pangarap mo.
View this post on Instagram
“Sila ‘yung dapat nandiyan to support you. Bigyan niyo naman ng chance ang anak niyo to live their own lives, mas ‘yun talaga ang totoong takeaway niya,” katwiran ni Jace.
Dugtong pa niya, “I want the listeners to realize that it’s not a crime to pursue what you really want. Doing so doesn’t make you bad, rebellious or ungrateful, hindi ganu’n yun.”
Pagse-share pa ng binata, “Yung song, puwede rin siyang i-apply sa ibang aspect ng buhay, hindi lang sa relationship ng anak sa magulang. Puwede rin siya sa work, sa lovelife. But ang realization ko lang talaga is kung kayang ayusin, ayusin. Huwag magpaka-stress masyado at let’s enjoy life kasi hindi natin alam kung ano ang mangyayari in the coming months.”
Samantala, tungkol naman sa kanyang mini-album na “Inferno” na ilalabas na sa December, magkakaroon ito ng updated versions ng apat niyang single tulad ng ilang “technical tweaks.”
Sa 2023 naman sisimulan ni Jace ang kanyang debut full length album na “Paradiso” inspired by Dante Alighieri’s literary work, “Divine Comedy.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.