Matteo Guidicelli keri maging presidential guard, ‘sharpshooter’ sa PSG training | Bandera

Matteo Guidicelli keri maging presidential guard, ‘sharpshooter’ sa PSG training

Pauline del Rosario - October 27, 2022 - 03:18 PM

Matteo Guidicelli keri maging presidential guard, ‘sharpshooter’ sa PSG training

PHOTO: Screengrab from Matteo Guidicelli’s video on Instagram

ISA nanamang milestone ang proud na proud na ibinandera ng aktor na si Matteo Guidicelli sa social media.

Bukod kasi sa pagiging army reservist, kwalipikado na rin siyang maging presidential guard matapos grumaduate sa “Very Important Person Protection Course” (VIPPC), isang training course sa ilalim ng Presidential Security Group (PSG).

Ang PSG ay ang elite force na pinoprotektahan ang pangulo ng Pilipinas at ng first family, pati na rin ng mga bumibisitang pinuno at leader ng ibang bansa.

Sa Instagram ay ibinahagi ng aktor ang ilang litrato ng kanyang graduation at lubos na pinasasalamatan ang kanyang pamilya.

“Thank you to my family and friends. It was an honor to train with the best from the PSG,” caption niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)

Makikita rin sa mga litrato na present sa special occasion ang kanyang misis na si Sarah Geronimo na siyang nagkabit ng kanyang medalya.

Makikita rin nakakuha rin ng special award si Matteo bilang “3rd best sharpshooter.”

Sa isang media interview ay nakuwento ni Matteo na dalawang buwan siyang nag-sanay matapos maimbitahang sumabak sa PSG training.

Chika niya, “I joined the philippine army three years ago as my advocacy to give service to our country in different aspects.

“So today naman, two months ago here in PSG, the troops were chosen to be a PSG.

“So I was given an invitation to train at PSG, so how can you say no to that?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)

Matatandaang noong 2019 nang sumalang sa “Scout Ranger Orientation and Leadership Development Course” ng Philippine Army Reserve Command si Matteo at nakapagtapos sa ranggong second lieutenant.

Maraming netizens naman ang bumilib sa kanya at heto ang ilan sa mga nabasa naming komento.

“Well done. You really raise the bar for us Army Reservists. CONGRATULATIONS again!!!”

“Congratulations!  MABUHAY SALUDO AKO SAYO.”

“Salute well deserved.”

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Baguhang singer na si Jericho Violago pwedeng-pwedeng maging ‘utol’ ni Matteo; super idol ang Ben&Ben

True ba, Matteo Guidicelli mahirap katransaksyon kaya hindi matuluy-tuloy sa GMA 7?

Julia, Matteo laglagan, ‘nagkapersonalan’ habang nagbibiruan: ‘Mayayari tayo kina Sarah at Gerald mamaya!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending