Karla Estrada nag-’sorry’ matapos gawing background music ang NPA anthem: Hindi ko po sinadya o intensyon…
DAHIL sa kasabikan na ibahagi ang kanyang pagsali bilang “reservist” ng Philippine Army, hindi na namalayan ng TV host-actress na si Karla Estrada ang inilagay na background music sa kanyang Instagram Reels.
Naging agaw-atensyon kasi sa maraming netizens kamakailan lang ang inilagay na kanta ni Karla na music anthem pala ng rebel group na New People’s Army (NPA).
Ibinandera niya ang musikang “Ang Bagong Hukbong Bayan,” kalakip ang ilang litrato na suot ang Army reservist uniform at kasama ang ilang AFP officers.
Burado na ang nasabing post, pero kumalat pa rin ito sa social media dahil nagawa pa itong kuhain at i-post ng ilang netizens.
“‘Di ko alam kung matatawa o maiiyak ako eh,” sey ng isang twitter user.
Tangina ni Karla Estrada. Nag-post ng reel sa Instagram featuring her photos as a PH Army reservist, tapos ang bg song dun ay…
“Ang Bagong Hukbong Bayan,” literally an anthem for the NPA. (Bahagi ito ng 1976 album na “Bangon!”)
Di ko alam kung matatawa o maiiyak ako eh 😭😭😭
— karl #MarcosMamamatayTao (@eicvsfascism) June 7, 2023
May isa pang nag-post na hiyang-hiya sa ginawa ni Karla sa Instagram.
not karla using npa’s theme song LMAO 😭😭😭😭😭 that’s so 😭 i am having secondhand embarrassment 😭😭
— ᨒ (@andreiddump) June 7, 2023
At dahil bumubuhos na ang pamba-bash sa TV host, agad naman siyang humingi ng tawad.
Inamin ng aktres na wala siyang kaalam-alam na mula sa NPA ang kanta na inilagay niya sa kanyang IG Reel.
“Ako po ay hindi aware na ang nasabing musika na nailapat sa aking video reel ay isa palang awitin umano na tumutukoy sa isang grupo na may paniniwalang salungat sa pamahalaan,” sey niya sa IG caption.
Dagdag pa niya, “Ako po ay taos pusong humihingi ng paumanhin sa Philippine Army at sa lahat ng taong nasaktan o naapektuhan ng nasabing video reel.”
“Hindi ko po sinadya o intensyon na ilapat sa aking video ang nasabing musika at wala din po sa aking kamalayan kung ano ang kinakatawan o mensaheng nilalaman nito,” paliwanag pa niya.
Nilinaw rin niya na ang kanyang intensyon sa pagsali sa Philippine Army ay para lalo pang makapaglingkod sa bansa.
“Nais ko pong ipabatid sa lahat na ang tanging layunin ng aking pagpapalista sa hanay ng Philippine Army bilang Reservist ay upang makapaglingkod sa bawat Pilipino at sa bansang Pilipinas sa abot ng aking kakayanan,” sambit pa niya sa IG.
Aniya, “Muli, humihingi po ako ng paumanhin. Salamat po.”
View this post on Instagram
Si Karla ang bagong host ng Barangay Hall on-air program na “Face 2 Face” na kung saan ay tinatangka niyang pag-ayusin at pagbatiin ang mga nag-aaway o nagkakainitang magkapamilya, magkaibigan, mag-partner at magkapitbahay na hindi naaayos sa barangay.
Related Chika:
KathNiel natsa-challenge magtrabaho sa gitna ng pandemya: Kailangan lang naming bumuwelo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.