KathNiel natsa-challenge magtrabaho sa gitna ng pandemya: Kailangan lang naming bumuwelo | Bandera

KathNiel natsa-challenge magtrabaho sa gitna ng pandemya: Kailangan lang naming bumuwelo

Ervin Santiago |October 06,2021
facebook
share this

KathNiel natsa-challenge magtrabaho sa gitna ng pandemya: Kailangan lang naming bumuwelo

Ervin Santiago - October 06, 2021 - 09:04 AM

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

AMINADO ang reel and real life na magdyowa na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na isang challenge para sa kanila ang muling pagbibida sa isang teleserye ng ABS-CBN.

Halos apat na taon ding hindi napanood sa TV ang tambalang KathNiel kaya naman siguradong miss na miss na sila ng milyun-milyon nilang mga fans all over the universe.

Ibinandera na nga ng ABS-CBN ang next project nina Kath at DJ, ang seryeng “2G2BT” (2 Good 2 Be True) na ididirek ng box-office director na si Mae Cruz Alviar.

Super excited na nga ang Kapamilya couple sa muli nilang pagbabalik sa telebisyon at promise nila sa kanilang fans, isa na namang kaabang-abang na serye ang ihahain nila sa madlang pipol very soon.

“After four years na wala kami sa TV, ito na magbabalik na kami at magte-taping na kami very soon.

“Siyempre para sa aming dalawa ay challenging din na gumawa ng panibagong kuwento sa dami ng aming nagawa. 

“So one year in the making. Ano pa ba ang puwede naming gawin na something new for the people, para sa mga manonood kung ano pa ba ang puwede naming mai-offer,” pahayag ni Daniel sa panayam ng ABS-CBN.

Chika naman ni Kath, “Last serye namin was ‘La Luna Sangre’ and ‘yun medyo fantasy-action siya. Tapos sabi namin siguro ‘yung fans lalo ‘yung hinihiling nila is to see us na parang gumagawa ng light na feel.

“But of course dapat nandiyan pa rin ‘yung dapat may matutunan ka, nandiyan pa rin ‘yung core ng mga character but something like just to give them a break and breather sa lahat ng mga nangyayari ngayon,” aniya pa.

Ayon pa sa magdyowa, alam nila na magiging mas challenging ang paggawa nila ng serye ngayon dahil sa pandemya, pero mas lamang pa rin daw ang saya at pasasalamat sa pagbabalik nila sa trabaho.

“Mas excitement ang nararamdaman ko ngayon dahil it’s been a while and I’m very, very excited,” pahayag ni DJ.

Dagdag naman ni Kathryn, “Extra challenging ang gumawa ng isang project sa sitwasyon natin kasi ang hirap gumalaw in this pandemic. 

“So sana maging maayos naman ang lahat. Pero overall ay excited kami ni DJ. Parang kailangan lang naming bumuwelo. 

“Parang nagsi-sink in lang siya sa amin unti-unti pero kapag nandoon na with the production and everyone, I think this is going to be a fun journey,” chika pa ng aktres.

Makakasama naman ng KathNiel sa “2G2BT” sina Ronaldo Valdez, Gloria Diaz, Irma Adlawan, Gelli de Belen, Romnick Sarmenta, Cris Villanueva at Smokey Manaloto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ka-join din sa serye sina Matt Evans, Jenny Miller, Yves Flores, Pamu Pamorada, Gillian Vicencio, Kristel Fulgar, Bianca de Vera at Alyssa Muhlach. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending