Mariel bumobongga ang career sa live selling; Janella, Markus muling nagkasama para kay Baby Jude | Bandera

Mariel bumobongga ang career sa live selling; Janella, Markus muling nagkasama para kay Baby Jude

Reggee Bonoan |October 23,2022
facebook
share this

Mariel bumobongga ang career sa live selling; Janella, Markus muling nagkasama para kay Baby Jude

Reggee Bonoan - October 23, 2022 - 05:50 PM

SOBRANG dami na ng damit ni Mariel Padilla na hindi na niya naisusuot dahil hindi naman siya nag-uulit kapag may pinupuntahan.

Kaya naman nasambit ng TV host na ibebenta na niya ang mga ito bukod pa sa hindi na rin daw kasya sa kanya ang iba.

Sa susunod niyang live selling ay isasama na niya ang mga branded clothes niya kaya dapat abangan ito ng kanyang followers.

Anyway, dahil effective na seller si Mariel ay mukhang maraming brands na rin ang nag-i-sponsor sa kanya dahil isa-isa niya itong binabanggit through live selling.

May nalaman din kaming mga kilalang personalidad na kay Mariel na rin ipinabebenta ang kanilang mga gamit na hindi na isa o dalawang beses lang nagamit.

Ang tarush ng wifey ni Sen. Robin Padilla dahil patok ang bago nitong live selling career na ginagawa niya once a week.

Wala pa rin kaming balita tungkol sa show niya sa network na pag-aari ni Sen. Manny Villar dahil hindi pa rin ibinabalita kung sino ang makakasama niya dahil si Ruffa Gutierrez ay si Ciara Sotto raw ang makakasama sa programa.

Sa madaling salita pumirma si Mariel ng kontrata sa ALLTV na wala pang kasiguraduhan kung kailan eere ang programa niya. Kaya nag-guest muna siya sa programa ng kaibigan.

* * *

Finally, nakitang magkasama na sa family picture ang ex-couple na sina Janella Salvador at Markus Paterson sa ginanap na baptismal at 2nd birthday party ng anak nilang si Baby Jude.

Matatandaang sinulat namin dito sa BANDERA na binati nina Markus at Janella ang anak nila sa kaarawan nito. Kanya-kanya silang post tungkol dito.

Nakita namin ang mga larawang ipinost ng mommy ni Janella na si Jenine Desiderio sa kanyang Instagram account ay sa Santuario de San Antonio sa Forbes Park ginanap ang binyag ni Baby Jude at itinulog naman ang party sa ibang venue.

Nakakatuwang makitang magkasama ang magulang ni Baby Jude lalo’t nasa iisang frame sila at magandang memories ito para sa bata habang lumalaki siya na nakitang kumpleto silang tatlo.

Ang caption ni Jenine sa mga larawang ipinost niya sa IG, “Welcome to the Christian World, @judetrevorpaterson & Happy 2nd birthday!”

Read more:

Mariel Padilla may pa-reveal patungkol sa kalusugan, ‘di gumagamit ng cotton buds sa tenga

Aga Muhlach balik sa pagiging game show host; Mariel Padilla napuyat kaka-online selling

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Friendship nina Toni at Mariel matindi rin ang pinagdaanan: Kaya namin nasabi na ‘Tayo pa rin sa finish line’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending