Mariel Padilla may pa-reveal patungkol sa kalusugan, ‘di gumagamit ng cotton buds sa tenga
DIRETSAHANG sinagot ng TV host-actress na si Mariel Padilla ang sari-saring personal na tanong tungkol sa kanya ng madlang pipol.
Sa pamamagitan ng kanyang latest YouTube vlog na “Answering Your Google Searches about me” ay inisa-isa ni Mariel ang ilan sa mga madalas i-search ng netizens tungkol sa kanya.
Saad pa niya sa caption, “So I tried to search myself on Google to find out kung ano yung mga common questions na sine-search ninyo!
“May ma-reveal kaya ako sa inyo? Or ma-confirm? Get to know me better as I answer the most googled questions about me! “
Isa sa mga naging “revelation” ni Mariel ay ang tungkol sa kanyang kalusugan.
Ibinunyag niya sa vlog na may diperensya na ang kanyang tenga at isa na siyang bingi.
Kwento pa niya, “I have a thing with cleaning my ears and I don’t use cotton buds.
“I use the actual spoon… Sobra ko siyang ine-enjoy kapag naglilinis ako ng tenga.
“It’s so therapeutic for me so I do it everyday, pag-bored ako, pag wala akong ginagawa naglilinis ako ng tenga and that’s so bad.
“Siguro masyadong grabe ‘yung ginawa ko na nagkaroon ng sugat, na-infect ‘yun at nagkaroon ng fungus… Ang laki ng hole doon sa eardrum ko.
“So bingi na po ako. So pag kunwari tinawag niyo na po ako, ‘tas hindi ako nag-respond sa inyo, hindi po dahil suplada ako, dahil hindi ko po narinig.”
Sinabi niya rin na isa siyang “American citizen.”
Chika niya, “because my dad is a U.S. citizen, so when we were kids, my dad petitioned us.
“I was born and raised in the Philippines.
“I have two passport kasi mayabang ako, so ‘yun.”
Ang isa pang kinaiintriga ng netizens base sa “most common searches” sa website ay kung bakit nagla-live selling si Mariel.
Sagot naman ng aktres na ito ang kanyang “dream job” at may binu pa nga raw siyang team para maghanap ng mga gamit na pupwede niyang mabenta online.
Sey pa niya, “Sobrang saya… It’s so much fun, I really enjoy it.
“I love luxury items and I enjoyed watching ‘yung mga live selling sa Japan, so na-inspire ako to do it and lalong-lalo na during the campaign period, where I needed extra funds.”
Patuloy pa niya, “Tapos ngayon, kahit tapos na ‘yung campaigns, sa sobra ko siyang na-enjoy, iba na ngayon ‘yung ginagawa ko sa live selling kasi in the beginning, it was all my stuff and now I have people who I would like to call mga ‘headhunters’ who look for amazing deals.
“I have a team already na talagang nilulusob lahat ng mga iba pang sellers or more good items or celebrities who are ready to let go of their pre-loved things.
“So ‘yun talaga ‘yung dream ko, gusto ko parang maging ‘liveseller of the stars.’
“So kung celebrity ka at kung may kilala kang celebrity at gusto mong mag-let go at magpamigay, I am the person for the job.”
Noong October 20 ibinandera ni Mariel ang nasabing vlog at as of this writing ay umaani na ng mahigit 130-thousand views.
Kasalukuyang mayroong 1.34 million followers ang celebrity mom sa YouTube.
Read more:
Aga Muhlach balik sa pagiging game show host; Mariel Padilla napuyat kaka-online selling
Toni Gonzaga kay Mariel Padilla: Thank you for everything!
Mariel Padilla pinatunayang walang away sa pagitan nila ni Bianca Gonzalez
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.