Mariel Padilla pinatunayang walang away sa pagitan nila ni Bianca Gonzalez | Bandera

Mariel Padilla pinatunayang walang away sa pagitan nila ni Bianca Gonzalez

Therese Arceo |October 04,2022
facebook
share this

Mariel Padilla pinatunayang walang away sa pagitan nila ni Bianca Gonzalez

Therese Arceo - October 04, 2022 - 06:15 PM

Mariel Padilla pinatunayang walang away sa pagitan nila ni Bianca Gonzalez

HINDI gaya ng mga iniisip ng ibang netizens, maayos ang relasyon ng TV personality na si Mariel Padilla at ng Kapamilya host na si Bianca Gonzalez.

Ang latest vlog nga ng asawa ni Sen. Robin Padilla ang naging patunay na sa kabila ng mga bulung-bulungan na hindi na may lamat na sa pagitan ng dalawa ay nanatiling maayos ang kanilang friendship.

Bagamat prank call ang content ni Mariel sa kaniyang vlog kung saan biniktima nito si Bianca ay mapapansin ko talaga na nananatili pa rin silang magkaibigan kahit na magkaibang network na ang kanilang kinabibilangan.

Going back to the vlog, isa nga si Bianca sa kanyang mga napiling i-text para maging biktima mg kanyang pagpa-prank kabilang na rin sina Anne Curtis, Amy Perez, Karylle, at Boy Abunda.

Ang atake ni Mariel sa kanyang prank call sa “Pinoy Big Brother” host ay parang sinisiraan siya nito sa ibang tao.

“Ang sasabihin natin kay Bianca ay parang she’s saying bad things about me which Bianca doesn’t do,” saad ng celebrity mom

Pagpapatuloy pa ni Mariel, “Grabe feeling ko kapag si Bianca kahit kunwari sinusunog na ‘yung bahay nila sasabihin na lang niya, ‘Oh I’m sure may reason sila ba’t nila ginagawa iyon’. Alam mo yun?”

At nang tawagan na nga niya ang Kapamilya host ay maririnig mo na walang ilangan sa pag-uusap ng dalawa, isang senyales na talagang maayos ang kanilang pagkakaibigan.

“Something is bothering me and the people there said na parang you said something about me during the event like parang super arte, lumaki ‘yung ulo, ganyan… Kaya I wanted to make sure,” saad ni Mariel.

Mababakad naman sa boses ni Bianca ang pagkagulat sa mga sinasabi ng kaibigan.

Nadamay pa nga sa prank ang asawa ni Mariel na si Robin at ipinalabas niyang pati ito ay sinisiraan diumano ng Kapamilya host.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bianca Gonzalez Intal (@iamsuperbianca)

“I would never. My God. Who told you this?” sagot naman ni Bianca.

Dagdag pa niya, “Never. Super. And why would I say that? You know that’s my favorite thing about you and lalo na about Robin into other people I don’t know. Ano ‘yun? Baka may galit sa akin ‘yung taong ‘yun.”

Sa huli ay hindi na rin kinaya ni Mariel at inamin sa kaibigang nagpa-prank call lamang siya.

“Nakakaloka ka. Alam mo, pa-Claudine levels ka doon,” natatawang sey ni Bianca.

“Sobrang sorry and thank you so much. O di ba? Tapos noong feeling ko parang hindi masyadong maisip kung ano yung bad thing na sinabi ko, pumunta na agad ako kay Robin na lang,” chika ni Mariel.

Amin pa niya, “Siya na lang ‘yung bina-badmouth mo kunyari kasi hindi ko alam kung papano… Hindi masyadong malalim ang back story ko. Thank you, B. Thank you. Sorry. Thank you, bye.”

Matatandaang marami ang mga nag-iintriga sa pagkakaibigan ng dating Kuya’s Angels na sina Mariel Padilla, Toni Gonzaga, at Bianca Gonzalez lalo na at magkaiba ang kandidatong sinuportahan nila noong eleksyon.

Naging tahimik ang tatlo patungkol sa mga isyu kahit na madalas ay maintrigang tila iniwan na si Bianca ng dalawa dahil sa political stand nito.

Ngunit patunay ang latest vlog ni Mariel na sa kabila ng kanilang magkaibang pinaniniwalaan ay nanatiling maayos ang kanilang relasyon bilang magkaibigan.

Related Chika:
Boy Abunda hindi kayang tiisin si Mariel Padilla: I will sell my house for you

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Robin Padilla sumailalim sa heart procedure, Mariel nagpasalamat sa mga nagdasal para sa asawa

Mariel Padilla nawindang sa school project ng anak: Nu’ng bata ako polvoron ang ginagawa

Mariel Padilla natupad ang pangarap na maging live seller, nagbabala sa mga scammer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending