Angeline Quinto rumampa nang nakapantulog sa New York Times Square, wapakels sa mga foreigners | Bandera

Angeline Quinto rumampa nang nakapantulog sa New York Times Square, wapakels sa mga foreigners

Therese Arceo |October 22,2022
facebook
share this

Angeline Quinto rumampa nang nakapantulog sa New York Times Square, wapakels sa mga foreigners

Therese Arceo - October 22, 2022 - 10:10 PM

Angeline Quinto rumampa nang nakapantulog sa New York Times Square, wapakels sa mga foreigners
RUMAMPA ang Kapamilya singer at actress na si Angeline Quinto sa New York Times Square kahit na naka-pantulog lang ito.

Sa kanyang YouTube vlog ay ibinahagi ng aktres ang nakakaaliw na trip nila ng kanyang creative team sa naging concert nito sa Amerika.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)

Kanya-kanya namang paandar ang kanyang team para makuha ang tumataginting na premyo sa kanilang kakaibang challenge na rumampa sa kahabaan ng New York Times Square.

At hindi nga rin talaga magpapakabog si Angeline at talaga namang pasabog ang kanyang paandar outfit.

Ibinahagi niya ito sa kanyang Instagram account ang mga larawan mula sa kanilang kakaibang trip sa kalagitnaan ng busy streets ng New York.

“Photoshoot challenge sa gitna ng Times Square in NYC! Lakasan na lang ng loob,” caption ni Angeline.

Makikitang pinagtitinginan ng mga foreigners ang Kapamilya singer habang todo awra ito sa kanyang pantulog outfit na may balot pang tuwalya sa ulo.

May yakap yakap pa nga siyang unan at may hila-hila pang maleta.

Marami naman sa mga netizens ang naaliw at napa-comment sa IG post ni Angeline.

Ilan rin sa mga kilalang personalidad na nag-react sa post niya ay sina sina Erik Santos, Loisa Andalio, at Lucas Garcia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)

Saad ng isang netizen, “Basta mapagkakakitaan talagang lakasan ng loob to the MAX!”

Hirit naman ng isa sa post ni Angeline, “Kung nakatapis to at may hawak na toothbrush bibilib na talaga ako tapos may dalang tabo at timba!”

“Yung natulog ka pag gising ito bungad sayo. Tawang tawa na naman ako sayo! O pak idol!”

Related Chika:
Lolit Solis pinagsabihan ng anak matapos okrayin si Angeline Quinto: Wala naman akong personal na galit sa kanya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dyowa ni Angeline Quinto na plano raw pumasok sa showbiz inokray ni Lolit Solis: Feeling pogi at pa-yummy

Angeline Quinto umamin na: Magiging nanay na rin ako

Angeline Quinto nasasaktan sa tuwing bina-bash ang partner: Hindi n’yo naman alam ang pinagdaanan namin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending