Dyowa ni Angeline Quinto na plano raw pumasok sa showbiz inokray ni Lolit Solis: Feeling pogi at pa-yummy Bandera

Dyowa ni Angeline Quinto na plano raw pumasok sa showbiz inokray ni Lolit Solis: Feeling pogi at pa-yummy

Reggee Bonoan |May 24,2022
share this

Dyowa ni Angeline Quinto na plano raw pumasok sa showbiz inokray ni Lolit Solis: Feeling pogi at pa-yummy

Reggee Bonoan - May 24, 2022 - 06:22 AM

Angeline Quinto at Nonrev Daquina

ILANG dekada nang talent manager si Manay Lolit Solis ng mga sikat na artista sa showbiz kaya alam na niya kung sino ang sisikat o may karapatang pumasok sa industriya at diretso niya sinasabi kung tatagal ang mga ito o hindi.

Isa sa binigyan niya ng pansin ay ang live-in partner ni Angeline Quinto at ama ng anak nitong si Baby Sylvio na tila may planong pasukin ang showbiz.

In fairness, may itsura naman ang boyfriend ni Angge hindi lang namin alam kung ano ang height nito.  Pero para kay Manay Lolit na may authority sa pagkilatis ng mga gustong mag-artista ay it’s a NO-NO ito para sa kanya.

Yan ang ipinost ni Manay sa kanyang Instagram account at sinabing tumayo ang balahibo niya nang malamang papasok sa showbiz ang dyowa ni Angeline.

“Parang tumayo ang balahibo ko nang mabasa ko na gusto daw ni Angeline Quinto na mag artista iyong non-showbiz father ng kanyang naging anak.

“Sa nabasa ko na mga nasulat, may 3 ng anak sa 2 pang ibang babae iyong BF ni Angeline. Naanakan niya si Angeline Quinto, at ngayon may pangarap siyang pumasok ng showbiz.

“Bongga di ba! Parang ganuon kadali lang puwede na siyang maging celebrity? Parang nagka-anak ka sa 3 babae, puwede ka ng matinee idol?” pahayag ng talent manager.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)


Payo rin ni Manay na sana’y mag-reality check muna ang ama ng anak ni Angeline bago nito ituloy ang balak niya.

“Feeling pogi at yummy dahil may mga babae na nagpaanak sa kanya? Iyan ilusyon dapat may realidad din. Check mo muna sa salamin o ikaw mismo sa sarili mo kung babagay ka ba sa mundo na papasukin mo.

“Porke pinatulan ka at nagpaanak ang isang Angeline Quinto, pang showbiz ka na? Puwede ka ng artista? Naku, dapat siguro magkaruon ng reality check pati si Angeline para naman iyon ulap sa mga mata nila mawala.

“Nagkaanak na sa 2 magkaibang babae, pumayag kang anakan ka, tapos ngayon bibigyan mo ng ilusyon maging showbiz. Naku, sana na lang ang isipin mo ang magiging kinabukasan ng iyong anak Angeline, huwag mo ng pasukin ang trabaho ng pagiging talent scout.

“Baka maghanap lang ng iba pang babae na aanakan iyan BF mo sa showbiz kaya gusto pumasok, stop , look, listen ka muna. Ayaw ni Gorgy at Salve, kalokah!” ang pahayag pa ni Manay Lolit.
Bukas naman ang BANDERA sa magiging reaksyon ni Angeline at ng partner nito.

Angeline Quinto nasasaktan sa tuwing bina-bash ang partner: Hindi n’yo naman alam ang pinagdaanan namin

Jake plano talagang pumasok sa politika tulad ni Erap, pero biglang nagbago ang desisyon

Ogie Diaz nag-react sa isyu nina Lolit at Bea: Sa edad niyang ‘yun, nai-scratch pa ‘yung pangalan niya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending