Angeline Quinto, JK Labajo bagong judges ng ‘Idol Kids PH’

Angeline Quinto, JK Labajo bagong judges ng ‘Idol Kids PH’

Pauline del Rosario - May 29, 2025 - 05:37 PM

Angeline Quinto, JK Labajo bagong judges ng ‘Idol Kids PH’

PHOTO: Instagram/@idolphilippines

EXCITING ang inaabangang bagong season ng “Idol Kids Philippines!”

Ipinakilala na kasi ang bagong lineup ng judges na siguradong magbibigay ng kakaibang energy sa sikat na television talent competition.

Ang mga bagong hurado ay sina Angeline Quinto at JK Labajo, habang ang mga nagbabalik ay ang batikang singers na sina Regine Velasquez at Gary Valenciano.

Ang balita na ‘yan ay ibinandera mismo sa isang Instagram video ng “Idol Philippines.”

Baka Bet Mo: JK Labajo hinding-hindi magpapadirek kay Darryl Yap: ‘I don’t want to work with him’

Ang caption pa riyan, “Apat na naglalakihang pangalan sa industriya ng musika sa Pilipinas ang haharapin ng mga Kiddie Hopefuls!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Idol Philippines (@idolphilippines)

Ang bagong season ay mapapanood na sa Hunyo, pero ang eksaktong petsa ng airing ay hindi pa nari-reveal.

Sa hosting naman, sina Robi Domingo at Jolina Magdangal ang magdadala ng saya sa bawat episode.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Idol Philippines (@idolphilippines)

 

Ito ang magiging first-ever na edisyon ng “Idol Kids Philippines” kung saan mga batang kalahok ang bida –iba pa ito sa mga nauna na para sa teens at adults. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang unang Idol Kids champion ay si Zephanie noong 2019, kung saan sina Regine, Vice Ganda, Moira dela Torre, at James Reid ang mga judges.

Noong 2022 naman, si Khimo Gumatay ang nagwagi at ang mga hurado that time ay sina Regine, Gary V, Moira, at Chito Miranda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending