Arnell Ignacio may babala sa mga kamag-anak ng mga OFW: Hindi ho ‘yan parang bangko na lagi na lang nating hihingan
PINAALALAHANAN ni Administrator of Overseas Workers Welfare Administration Arnell Ignacio ang mga kaanak ng mga nagtatrabaho sa ibang bansa na huwag gawing ATM o bangko ang mga ito dahil sobrang hirap ang mga ginagawa nila para mabuo ang perang ipapadala nila sa Pilipinas.
Oo nga naman, may mga kakilala nga kami na tinitipid ang sarili na hindi na bumibili ng personal nilang gamit para makaipon.
Ani Arnell, “Panawagan ko rin sa mga pamilya ng OFW, ‘yung inyo pong mahal sa buhay na nag-abroad na kumikita, e, hindi ho ‘yan parang bangko na lagi na lang nating hihingan para roon sa bawa’t pangangailangan natin, na kung minsan ay hindi naman palaging napakahalaga. Lagi nating i-consider na mahirap ang trabaho sa abroad.
“Unawain natin lagi na pagka ‘yan ay lagi na lang nating tinatawagan para sa pangangailangan, ang problema ay baka lalo siyang mapagod sa kanyang trabaho.”
Ito ang pahayag ni Dep Arnell nang makapanayam siya sa SMNI na Live: Kabayan Abroad.
Umabot sa kulang 500 komento ang nabasa namin mula sa isang website at as of this writing ay nasa 975 shares na.
Ayon sa isang netizen, “Anu bang bago dun? Mga kamaganak ng isang ofw tingin nila ginto kaya wala silang awa magwaldas hindi nila naiisip ang hirap na dinadanas ng mga ofw dun at kung umasta akala mo kung sinu.”
Paliwanag naman ng isa pa sa post sinabi ni Arnell, “depende Naman Kasi SA inyo yon. Kong pinapayagan niyong ganyan ang gagawin. Ofw din po ako pero Hindi ko ni spoiled MGA anak at pamilya ko. Meron Kasi na binigay din lahat. NASA SA atin Naman Kasi yon.
Say naman ng isa pang netizen, “Ang mindset ng kamag-anak kapamilya at kapuso na akala nila pinapala at piko ang pera sa abroad kulang na lang hwag na kumain ang isang ofw para lang mapunan ang pangangailangan pero di nila naiisip kung kmusta na kaya kalagayan ng kamag anak nila sa abroad.
Payo naman ng isa pa, “Dapat kayong mga nandito sa Pinas ay mag invest din, magbisnis kaya, para hindi puro hingi.Maging handa kayo sa pagkawala. Lets say, nawalan ng work duon, nagkasakit sila, o biglang natigil dahil nagsara pinapasukan nila, and the worst scenario is biglang namatay o nasaan pa inaasahan niyo? Kaya huwag puro hingi, mahalin niyo naman sila bilang ama o ina o kapatid na nasa abroad Kasi kaya sila nagpunta duon, dahil sa pagmamahal sa inyo Payo lang po.”
* * *
Kung babad ka sa social media, marahil ay isa ka rin ba sa tuwang-tuwa sa Omegle content ni John Fedellaga, isang 23-year-old US-based Filipino na ngayon ay kilala nang Facebook, Instagram, at YouTube content creator.
Isa si John sa mga Reelfriends sa “Reelverse”, an online influencer-driven initiative looking for a star to lead a web series. Anyone can get a chance to be a Reelstar na bibida sa kauna-unahang Reelserye ng Meta by simply completing the challenges. Ang Reelverse ay isang digital entertainment project ng Cignal Entertainment at TV5 in collaboration with Meta, ang parent company ng Facebook at Instagram.
Aside from being a content creator, si John ay isa ring engineering technician sa isang kilalang American car company. Bago siya nag-US, nagtrabaho muna siya bilang isang drag queen sa isang gay bar sa Pilipinas.
“I found a passion for creating content, especially sa YouTube, because before I went here sa America, I used to work as a drag queen sa O BAR,” pahayag ni John.
View this post on Instagram
Bukod sa kanyang makeup content, naging sikat din ang Omegle series ni John na kanyang sinimulan during the COVID-19 lockdown.
“It started in the beginning of lockdown. Nagsimula po talaga yan sa lockdown kasi parang wala nang nanonood nung makeup, at naka-lockdown ka lang naman so I decided to switch… Pinagtripan ko kasi nga since lockdown, kailangan ko makakausap naman ng ibang tao. So since nag-Omegle ako e ‘di nakipag-chikahan na rin ako and then it became content as well.”
Nagulat si John na nag-viral ang kanyang Omegle content kasama ang isang Italian guy na naging dahilan ng pagdami ng kanyang viewers and subscribers.
“Ang pinaka-una kong viral na video is the video with the Italian guy; his name is Pietro. Actually pang-third na Omegle ko na nung na-meet ko si Pietro. Dun nag-start mag-shoot up‘ yung mga videos ko kasi may nag-re-upload nung video ko sa Facebook. Gumising na lang ako na ‘yung subscriber count ko was growing non-stop, pati yung views, and dun ko nalaman na meron palang nag-upload ng video. Tapos may sumunod pa ulit, in-upload naman nila yung kay Lucas,” dagdag kuwento pa ni John.
Mas pasasayahin pa kayo ni John Fedellaga live sa Reelverse Hub tuwing Sabado, 4:00 PM at 8:00 PM sa TV5, Cignal Entertainment, and Sing Galing Official Facebook Page.
Related Chika:
Vice Ganda nilektyuran ni Arnell Ignacio tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN
Arnell Ignacio binanatan si Kim Chiu: Get a spokesperson for youself!
Arnell Ignacio nakikisakay lang daw sa kasikatan ni Vice Ganda: ‘Dapat mga trolls ang pagsabihan mo’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.