Lolit Solis nag-sorry na kay Bea, pero bumanat sa mga plastik: Ako lang ang may kasalanan, nagsimula sa akin dapat sa akin din magtapos | Bandera

Lolit Solis nag-sorry na kay Bea, pero bumanat sa mga plastik: Ako lang ang may kasalanan, nagsimula sa akin dapat sa akin din magtapos

Reggee Bonoan |October 18,2022
facebook
share this

Lolit Solis nag-sorry na kay Bea, pero bumanat sa mga plastik: Ako lang ang may kasalanan, nagsimula sa akin dapat sa akin din magtapos

Reggee Bonoan - October 18, 2022 - 03:09 PM

Lolit Solis nag-sorry na kay Bea, pero bumanat sa mga plastik: Ako lang ang may kasalanan, nagsimula sa akin dapat sa akin din magtapos

Bea Alonzo at Lolit Solis

ILANG araw matapos lumabas ang panayam sa manager ni Bea Alonzo na si Shirley Kuan laban sa kapwa nito talent manager na si Manay Lolit Solis heto’t nag-sorry na nga ang online host sa aktres.

Isa-isang sinagot ni Shirley Kuan sa isang panayam ang mga hindi magagandang post ni Manay Lolit Solis sa Instagram account nito tungkol kay Bea.

Sa pamamagitan ng kanyang IG account ngayong araw ay nanghingi nga ng dispensa si Manay Lolit sa aktres.

“I Am Very SORRY. Ako lang ang may kasalanan, huwag na ninyo isali sila Salve at Gorgy. At please, tigilan na ninyo ang pagiging plastic, sa buhay, dapat nasa kanan, o kaliwa ka lang.

“Iyon mga nasa gitna, umiiwas lang dahil mga duwag sila na ayaw madamay. Basta ako, alam ko aminin kung tama o mali ako. Hindi ako naging plastic kahit kailan. Bongga,” ang bahagi ng post ng talent manager.

Ang bungad ni Manay Lolit sa kanyang mensahe ay nagtataka raw siya kung bakit maraming nakikisawsaw sa “lover’s quarrel” nila ni Bea.

Aniya, “Ewan ko kung bakit ako na sad sa nakita ko mga reactions ng tao sa ‘lovers quarrel’ namin ni Bea Alonzo, Salve. Ang dami nang nakisawsaw, sumali, nagbigay ng opinyon, violent reactions.

“Ewan ko kung dahil nag 2nd childhood na ako at pumatol sa mga bashers na nag react ng sabihin ko na hindi bagay sa Start Up PH si Bea dahil story ito ng bagong college graduate at 32 na si Bea.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)


“Gaga din ako na nairita sa bashing ng mga fans na ang naging biktima sa pagganti ko si Bea Alonzo. Nagka sanga-sanga na ang lahat hanggang pati sila Salve at Gorgy madamay dahil pina cancel sila ni Shirley Kuan sa isang presscon. Hanga ako sa pagtatanggol at pagmamahal ni Shirley sa alagang si Bea.

“Maganda ang manager/talent relationship nila. Lahat ng gulo dahil sa mga nasabi at nasulat ko sa IG.

“Na sad lang ako na dahil sa akin nag resign si Shirley Kuan sa PAMI. Tiyak ko na kahit paano apektado ang mga members.

“Sad ako na itinuturing akong BULLY, dahil kahit kelan hindi naman nabago ang ugali ko. Sad ako na iyon iba kailangan maging plastic dahil gustong ipakita na ayaw nila makisali, pero alam mo na mas matimbang ang loob nila kay Shirley at sa mga kakampi nito.

“Hindi ko gusto na humantong sa pagpili sa kung sino mas gusto mo, si Shirley o si Lolita. Aminado ako na baka OA na ang mga nasulat o nasabi ko about Bea.

“Pero isang bagay na masasabi ko Salve at Gorgy, mas nalungkot ako sa pagdamay ni Shirley Kuan sa inyong dalawa. Overboard na para bang dahil malapit kayo sa akin, dapat kayong idamay ni Shirley Kuan.

“Nagsimula sa akin, dapat sa akin din magtapos. Aminado ako na dahil lang sa pagpatol sa mga bashing ng fans kaya naging sunod sunod ang kagagahan sinulat ko kay Bea Alonzo.

“For that, I Am Very Sorry. Naisip ko na ang tinamaan si Bea Alonzo na puwedeng nasaktan dahil sa mga nasabi at nasulat ko.

“At dahil Mahusay at Matalino ang kanyang manager na si Shirley Kuan, ipinag tanggol niya ang kanyang alaga. At pinaka magandang ginawa niya, ipa cancel ako sa presscon ng Beautiderm. At ang the height, isali sa cancellation sila Salve at Gorgy.

“Brilliant idea, very intelligent move from a very successful number 1 manager, Shirley Kuan. Now, the rest is history.

“Ako na ngayon ang bully. Ako na ngayon ang may sala. To think na favorite loveteam ko ang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. To think na para sa akin isa si Bea sa may pinaka magandang mukha sa showbiz.

“Me and my crooked sense of humor na hindi makuha ng lahat. Sa mga nakikisali sa issue, wala akong galit kay Bea Alonzo. Kung nasaktan siya, at ang mga nagmamahal sa kanya,” ang mahabang pahayag ni Manay Lolit.

Nananatiling naka-deactivate ang comments section sa IG account ni Manay Lolit kaya walang mababasang komento mula sa netizens at followers niya.

Lolit Solis sa pag-amin ni Shirley Kuan na pagpapatanggal sa kanya sa presscon: Balewala sa akin ‘yon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolit Solis nagtataka kung bakit tinatawag na ‘bully’: Never akong nagbago

Lolit Solis binanatan si Bea Alonzo, sinabing feeling ‘super mega star of all seasons’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending