Lolit Solis sa pag-amin ni Shirley Kuan na pagpapatanggal sa kanya sa presscon: Balewala sa akin 'yon | Bandera

Lolit Solis sa pag-amin ni Shirley Kuan na pagpapatanggal sa kanya sa presscon: Balewala sa akin ‘yon

Therese Arceo |October 14,2022
facebook
share this

Lolit Solis sa pag-amin ni Shirley Kuan na pagpapatanggal sa kanya sa presscon: Balewala sa akin ‘yon

Therese Arceo - October 14, 2022 - 02:03 PM

Lolit Solis sa pag-amin ni Shirley Kuan na pagpapatanggal sa kanya sa presscon: Balewala sa akin 'yon
NAGSALITA ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis ukol sa naging panayam ng manager ni Bea Alonzo na si Shirley Kuan.

Nagpa-interview kasi ang talent manager ng aktres sa pep.ph kung saan inamin nito na siya ang may pakana kung bakit nawala sa listahan ng press invites ang kolumnista at walang kinalaman rito ang aktres.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi naman ni Manay Lolit ang kanyang saloobin hinggil sa naturang isyu.

“Dami ng nag text sa akin Salve tungkol sa no hold barred interview ni Shirley Kuan. Sabi ko ayaw ko sagutin kasi bonggang english ang interview. Hindi ko kaya hah hah hah,” natatawang saad ng kolumnista.

Chika ni Manay Lolit, humanga siya kay Shirley Kuan dahil talaga namang big time ang kaniyang mga nagiging alaga na talaga namang nagpapatunay na mahusay siyang manager.

Pagpapatuloy pa niya, “Dapat lang hangaan ko siya. Huwag siyang mag alala, balewala sa akin iyon pag cancel niya sa presscon.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Ani Manay Lolit, ayaw rin naman daw niyang maging dagdag gastos para sa may-ari ng brand na iniendorso nu Bea dahil diumano’y nalugi raw ang product na ito.

Kaya naman daw wala talagang kaso para sa kanya ang mawala sa listahan ng mga press na dumalo sa media conference at nak

“Bongga ang attention ngayon na ibinibigay ni SK sa alaga niya, very special kaya sana ay tanawin itong malaking utang na loob ng kanyang talent,” sey ni Manay Lolit.

Dagdag pa niya, “Basta hindi ko papatulan ang mga sinabi niya, dahil hindi ko naintindihan, kasi nga English noh, alam mo naman ako , jologs , eh si SK bonggang englisera, maa award ako, hah hah hah.”

Sabi pa ni Manay Lolit, “Saka siyempre, mas mahusay siyang manager dahil lahat hawak niya superstar, eh ako mga so so stars lang, charot!

“At dahil sa taas ng paghanga ko kay SK bilang manager, naniniwala ako na lalampasan ng mga alaga niya mga talents ko, kaya ayoko ng sumagot sa kanya. Baka mag english ng mag english, dumugo ang tenga ko.”

Biro pa ni Manay Lolit, pag-aaralan daw niyang mag-Spanish at baka ito naman daw ang maging language ng naturang talent manager lalo na’t may property raw ang alaga nitong si Bea sa Spain.

Hirit pa niya, “Kaya Gorgy at Salve, Spanish lesson tayo, para maintindihan natin ang ‘Cancellado’ bongga di bah ! Bow kay Shirley Kuan, super mega manager of all season, no hold barred , BOW!”

Related Chika:
Lolit Solis tinawag na ‘lola’ si Bea Alonzo: Mas mukhang bata si Marian Rivera

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolit Solis kay Bea Alonzo: Siguro masakit pa ring ma-ghost ng isang Gerald Anderson

Lolit Solis binanatan si Bea Alonzo, sinabing feeling ‘super mega star of all seasons’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending