Lolit Solis nagtataka kung bakit tinatawag na 'bully': Never akong nagbago | Bandera

Lolit Solis nagtataka kung bakit tinatawag na ‘bully’: Never akong nagbago

Therese Arceo |October 16,2022
facebook
share this

Lolit Solis nagtataka kung bakit tinatawag na ‘bully’: Never akong nagbago

Therese Arceo - October 16, 2022 - 04:02 AM

Lolit Solis nagtataka kung bakit tinatawag na 'bully': Never akong nagbago
PATULOY ang sigalot sa pagitan ng dalawang kilalang talent managers na sina Lolit Solis at Shirley Kuan.

Ito ay matapos magsalita ni Shirley patungkol sa mga ginagawang pag-atake ng kolumnista laban sa kanyang alagang si Bea Alonzo.

Matatandaang nagkaroon ng exclusive interview si Shirley sa pep.ph kung saan sinagot niya lahat ng mga tanong at tinawag niyang “bully” si Manay Lolit dahil sa walang humpay nitong pagtirada sa career at personal life ni Bea.

Kung ang pagbabasehan ay ang posts at columbs, nagsimula raw noon pang nakaraang taon ay tinitira na ng kolumnista ang kanyang alaga lalo na nang lumipat ito sa Kapuso network.

At bilang talent manager, trabaho raw ni Shirley na protektahan ang kanyang mga artists kaya naman ipinatanggal niya sa listahan si Manay Lolit sa mga darating na press.

Ngunit mukhang patuloy ang laban sa pagitan ng dalawa dahil tuluyan na ngang nag-resign sa PAMI o Philippine Artists Managers Inc. na binubuo ng mga talent managers ng local entertainment industry.

Ito nga ang inilabas ni Manay Lolit sa kanyang Instagram post nitong Biyernes, October 14.

Makikita sa naturang post text message at resignation ni Shirley Kuan.

“It is now very evident to me, without a shadow of a doubt, that PAMI’s silence on this BULLYING BY ANOTHER PAMI MEMBER is tantamount to PAMI SUPPORTING BULLIES & BULLYING.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

“Therefore, I cannot continue being a part of PAMI. I RESIGN.”

Tila patutsada naman ang naging mensahe o caption ni Manay Lolit sa naturang post.

“Ewan ko Salve kung bakit very busy si Dolor Guevarra na i forward iyon no hold barred interview ni Shirley Kuan. Meron siyang pinadalhan na nagtataka kung bakit nag forward sa kanya si Dolor ng video ni Shirley, hah hah hah,” umpisa niya.

Pagpapatuloy pa ni Manay Lolit, “Sayang dahil hindi ko talaga naintindihan dahil sa British twang ni Shirley sa pagsasalita ng English, eh barriotic ako at walang alam sa English language.”

Biro pa niya baka raw malaki ang budget sa publicity abutin ng P150,000.

Sey pa ni Manay Lolit, nagtataka siya kung bakit siya binu-bully ng kampo nina Shirley.

“Naku ewan ko ba bakit nila ako binubully, may sakit na nga ako at matanda na, inaapi parin nila.

“Mahusay at sikat na sikat na managers sila Shirley at Dolor, hanga ako sa kanila, bongga sila dahil mga super mega sikat mga talents nila, eh mga pipitsugin ang akin , heh heh,” lahad ni Manay Lolit.

Aniya, takot raw siya kiba Shirley at Dolor dahil bongga ang mga ito.

Paglilinaw pa ni Manay Lolit, “Saka hindi ako bully noh, ako nga binu bully nila, hah hah. Hay naku, takot ako, galit Shirley Kuan sa akin, tapos kampi pa sila ni Dolor Guevarra.

“Kaloka talaga na hanggang ngayon nagugulo parin sila sa akin. Bakit ganito Salve at Gorgy, lagi na lang akong api at binu bully, mabait naman ako at masunurin, duwag at takot,lagi na lang akong inaapi , huh huh buti na lang meron akong Gorgy at Salve.”

Hirit pa ni Manay Lolit, “Kundi lang , sa takot ko kay Shirley at Dolor baka migrate na ako sa Ukraine , hah hah hah. Bantayan nyo ko Salve at Gorgy ha, baka ano gawin sa akin nila Shirley at Dolor, takot ako, huh huh huh.HELP please.”

Sa isa pang IG post ay ibinahagi niya ang pagtataka kung bakit siya tinatawag na bully.

“Kailangan ko magdasal dahil dapat magkaruon ako ng calming mood dahil up to now hindi ko maunderstand kung bakit tinatawag akong bully. Ako bully? Never ako nagbago since napasok ako sa showbiz,” saad ni Manay Lolit.

Sey niya, simula noon ay ganoon na raw ang kanyang ugali kaya naman napapaisip siya kung bakit sinasabi na isa siyang bully.

Related Chika:
Lolit Solis sa pag-amin ni Shirley Kuan na pagpapatanggal sa kanya sa presscon: Balewala sa akin ‘yon

Lolit Solis tinawag na ‘lola’ si Bea Alonzo: Mas mukhang bata si Marian Rivera

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolit Solis kinumpirmang buwag na ang online tandem nila ni Cristy Fermin: Pupunta siya sa mas masayang lugar

Lolit, Cristy Mr. Fu humirit ng mamahaling cellphone kay Willie Revillame

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending