Bagyong ‘Neneng’ tatama sa Batanes o Babuyan Islands, Signal #3 posibleng itaas sa Luzon
LALO pang lalakas ang bagyong “Neneng” habang binabadya ang malaking bahagi ng Luzon.
Ayon sa press briefing ng PAGASA na ginanap ngayong Oct. 15, 5 a.m., inaasahan ngayong araw magiging isang “tropical storm” ang bagyo.
“Ngayong umaga ay mananatili siya as tropical depression pero pagdating sa tanghali or hapon ay posibleng lumakas pa ito bilang isang tropical storm,” sey ng Weather Forecaster na si Benison Estareja.
As of 5 a.m. ay huling namataan ang bagyo sa distansyang 575 km East of Calayan, Cagayan.
May lakas itong hangin na 55 kilometers per hour malapit sa sentro at bugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Kasalukuyan itong kumikilos pa-kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.
Nakataas na rin ang “tropical wind signal no. 1” sa ilang lugar sa Luzon, heto ang listahan:
-
Batanes
-
Cagayan including Babuyan Islands
-
Northern and eastern portions of Apayao
-
Extreme northern portion of Isabela
-
Northern portion of Ilocos Norte
Abiso pa ng weather bureau na posibleng maging “signal no. 2” ang mga lugar na nasa “signal no. 1” sakaling mag-upgrade na sa “tropical storm” si Neneng.
Sabi ni Estareja, “the moment na mag-tropical storm itong si bagyong Neneng ngayong tanghali pa lamang, itataas na natin ang tropical cyclone wind signal number 2 dito sa mga nabanggit nating lugar.”
Babala rin ng PAGASA posible ring magkaroon ng “wind signal no. 3” kung patuloy pang lalakas ang bagyo.
“Worst case scenario, kapag itong si bagyong Neneng ay naging severe tropical storm dito somewhere sa may Luzon strait habang binabagtas ang Babuyan Islands or Batanes ay posible pa tayong magtaas ng signal no. 3 lalo na dito sa may Ilocos Norte, Apayao and Cagayan,” ani Estareja.
Samantala, asahan ang mga pag-ulan dahil sa bagyo sa Batanes, Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, Apayao, Kalinga, Ilocos Norte, Ilocos Sur at Abra.
Uulanin din ang northern portion ng Isabela, at nalalabing bahagi ng Ilocos Region at Cordillera Administrative Region.
Read more:
Bagyong Neneng ‘mananalasa’ sa Northern Luzon; 1 pang bagyo sa labas ng bansa binabantayan ng PAGASA
2 patay kay ‘Maymay’; 2 LPA, 1 pang bagyo binabantayan ng PAGASA
‘2 Good 2 Be True’ actress Pamu Pamorada engaged na sa dyowang chef: ‘Sasabay lang po ako sa bagyo…’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.