Friendship nina Joshua Garcia at Daniel Padilla hindi nawasak ng intriga: Nag-click kaming dalawa dahil... | Bandera

Friendship nina Joshua Garcia at Daniel Padilla hindi nawasak ng intriga: Nag-click kaming dalawa dahil…

Ervin Santiago |October 11,2022
facebook
share this

Friendship nina Joshua Garcia at Daniel Padilla hindi nawasak ng intriga: Nag-click kaming dalawa dahil…

Ervin Santiago - October 11, 2022 - 08:12 AM

Friendship nina Joshua Garcia at Daniel Padilla hindi nawasak ng intriga: Nag-click kaming dalawa dahil...

Joshua Garcia at Daniel Padilla

WA epek sa dalawang Kapamilya stars na sina Daniel Padilla at Joshua Garcia ang pang-iintriga ng mga bashers at haters sa kanilang pagkakaibigan.

Noong sumisikat pa lamang si Joshua ay pilit silang pinagkukumpara ni Daniel. Gusto kasing lagyan ng kumpetisyon ang pagiging pambatong leading man nila ng ABS-CBN.

Pero sabi ni Joshua, hindi naging hadlang sa magandang friendship nila ni DJ ang mga naglalabasang chika tungkol sa kanila, sa katunayan mas naging malapit pa nga raw sila sa isa’t isa.

Sey ng leading man ni Jane de Leon sa action-adventure series na “Darna”, parang tunay na kuya na talaga ang turing niya kay Daniel at ganu’n din daw ang aktor sa kanya.

Nagsimula raw ang friendship nila ng boyfriend ni Kathryn Bernardo  noong makasama sila sa pelikula ng KathNiel na “Barcelona: The Love Untold” na ipinalabas noong 2016.

Kuwento ni Joshua sa panayam ng Cinema News, isa raw sa proud moments niya mula nang makapasok sa mundo ng showbiz ang maging kaibigan ni Daniel.

“Proud moment ko talaga ‘yun. Si DJ parang kapatid ko, Kuya ko talaga. ‘Barcelona’ pa lang,” sey ni  Joshua.

Pagpapatuloy pa ng binata, “Before parang may competition nga, no? Di kasi namin iniisip ganu’n may competition. Kapag trabaho, trabaho. Gagawin namin professionally.”

Sabi pa ng aktor, mas naging solid pa ang pagkakaibigan nila ni Daniel noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Talagang hinding-hindi raw niya malilimutan ang pag-alala at pag-alalay sa kanya nina DJ at Kath.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae)


“Paglabas ng trabaho, lock-in, kita-kita, ‘yun ang pinakapahinga. Lalabas Manila, punta sa Batangas. inom kaunti. Hindi lang talaga namin iniisip na competition. Nanaig ang pagkakaibigan sa amin,” pahayag ni Joshua.

“Nag-click kami kasi marami kaming gusto na similar, parehas mahilig sa old music, parehas kami hilig sa golf, sa sports ako rin, tapos, mahilig makinig (sa mga advice),” aniya pa.

“Okay sa akin yun. Pinapayuhan ako. Si DJ, mahilig magpayo. Di ko alam saan nanggagaling kabaitan. Lagi niya akong pinapayuhan.

“Mahilig ako makinig. Nakikinig ako sa kaniya sa lahat ng mga sinasabi niya sa akin. ‘Yun lang kaya nangyari siguro na bakit nga ba kayo nag-click, naging  magkaibigan, magkapatid,” ang sabi pa ni Joshua.

Natatawa pa niyang chika, “Masaya naman ako kung anong meron kami ni Daniel. Sa amin na lang yun! Ha-hahaha! Kala mo kami, no! Ha-hahaha! Kung ano nakikita ng tao yun na ‘yun!”

https://bandera.inquirer.net/296622/joshua-malaki-ang-utang-na-loob-sa-kathniel-sobrang-swerte-ko-na-naging-kaibigan-ko-sila

https://bandera.inquirer.net/313487/gusto-kong-maging-part-ng-family-nina-regine-at-ogie

https://bandera.inquirer.net/311549/kathryn-napa-yes-agad-sa-2-good-2-be-true-nila-ni-daniel-dahil-sa-isang-premyadong-veteran-actor

https://bandera.inquirer.net/323432/herlene-budol-umaming-hindi-mahilig-maligo-noon-ikinumpara-ang-dating-bahay-sa-impiyerno

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending