Herlene Budol umaming hindi mahilig maligo noon; ikinumpara ang dating bahay sa 'impiyerno' | Bandera

Herlene Budol umaming hindi mahilig maligo noon; ikinumpara ang dating bahay sa ‘impiyerno’

Ervin Santiago |September 08,2022
facebook
share this

Herlene Budol umaming hindi mahilig maligo noon; ikinumpara ang dating bahay sa ‘impiyerno’

Ervin Santiago - September 08, 2022 - 09:33 AM

Herlene Budol

WALANG arte-arteng inamin ng Kapuso star at beauty queen na si Herlene Budol na hindi raw talaga siya mahilig maligo noon.

Tawa kami nang tawa sa mga kuwento ng itinanghal na 1st runner-up sa Binibining Pilipinas 2022 nang humarap siya sa ilang miyembro ng entertainment media kahapon.

In fairness, nagulat kami nang makita namin uli siya nang personal makalipas ang halos tatlong taon dahil bukod sa mas gumanda na nga siya ngayon ay talaga namang napakaseksi na rin niya.

Pero kahit na nga may nakaputong na sa kanyang korona bilang isang beauty queen, hindi pa rin nagbabago ang pagiging komedyante niya, lalo na sa pagsasalita — walang pretensiyon, diretsahan at totoong-totoo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


Isa na nga riyan ang pag-amin niya na bihira lamang siyang maligo noon pero ngayon daw ay masipag na siyang mag-shower at natuto na ring mas alagaan ang katawan dahil isa na rin siyang beauty queen at brand endorser.

“Dati talaga, hindi ko favorite maligo. Lalo na ngayon, may bagyu-bagyo?

“Uy, pag naulan lang, ay perfect, walang ligo. Nag-iinit pa ako ng tubig, kapag may emergency na lakad.

“Open book kasi ako sa lahat na ginagawa ako, kung ano ang ginagamit ko. Dati talaga, sure ako du’n, hindi ako palaligo. So, mga singit-singit ko, dugyutin.

“Ngayon, medyo masipag na ako nang konti,” ang chika ni Herlene sa ginanap na media launch kahapon kung saan ipinakilala siya bilang ambassador ng Rejuviant Premium Cocoberry Body Wash at Premium Cocoberry Instaglow Lotion.

Ayon kay Herlene na kilala rin sa tawag na Hipon Girl, wala naman daw talagang nagbago sa kanya kundi may mga nadagdag lang, kabilang na riyan ang pag-aalaga at pagmamahal sa kanyang sarili.

Ka-level na niya ngayon ang unang endorser ng Rejuviant na si Jessy Mendiola. Ayon kina Kim Briones (Board of Director) at Chique Ballon (CEO), nakuha nila ang serbisyo ni Herlene bago pa ito sumali sa Binibining Pilipinas.

Napili raw nila ang Kapuso star bilang bago nilang ambassador dahil pak na pak daw ang image at personalidad ng dalaga sa kanilang mga produkto.

Kaya naman nang sumali si Herlene sa Binibining Pilipinas ay todo ang suportang ibinigay nila sa aktres at hindi rin daw nila pababayaan ang dalaga sa pagsali nito sa Miss Planet International na gaganapin sa Uganda.

Aliw na aliw din kami sa kuwento ni Herlene na noon daw ay bihira lang siyang maligo at hindi nasanay sa paggamit ng lotion dahil napakainit daw sa loon ng kanilang bahay.

“Yung bahay namin, parang nagpa-practice ka na papuntang impiyerno e. Alam mo yun, napa-practice na kayo ng buong pamilya mo sa impiyerno dahil sa sobrang init.

Kim Briones, Herlene Budol at Chique Ballon

“Kahit nga naliligo kami, pinagpapawisan kami. Alam mo yung nagmamantika ang balat mo kapag ano…puwede na akong pagpritohan dati, feeling ko.

“Nauso kasi sa school, lotion-lotion sa kamay. Tapos nag-uuwi ako, tapos ginagamit ko. E, wala nga kaming kisame. Isang hakbang na lang talaga, impyerno na talaga.

“Kaya sabi ko, ‘Ay! Never na ako maglu-lotion!’ E, sinampal ako ng katotohanan nina Ms. Chique,” aniya pa.

Hirit pa ng komedyana, “Tuwang-tuwa ako dati na nakilala bilang Hipon. Kasi, parang effortless, e. Yes! Okay lang kahit haggard ako. Hindi trying hard magpaganda, di ba?

“Ngayon kasi, parang kailangan mo nang…hindi naman sa trying hard. Kailangan mo lang mag-ayos nang tama. Kasi, dati talaga, T-shirt na malaki lang ako, gangster-gangster, ganyan.

“Pero ngayon kasi, parang dapat babaehan na. Hindi naman dahil nabago ako. May nadagdag lang sa akin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya ko pa rin naman maging kagaya dati kung ano ako, e. Kumbaga, nadagdagan yung kaalaman ko sa pag-aayos ko sa sarili ko,” pahayag pa ni Herlene.

Herlene Budol hindi kumita sa mga naunang vlogs: Nakakalungkot lang isipin kasi kahit kani-kanino ako nagtiwala

Herlene Budol binabatikos ng mga netizens: I love the duality!

Basher walang awang nilait at minaliit si Herlene Budol: Maganda ka sana kaya lang bobita ka!

Janella hilig talaga ang mag-alaga ng hayop: Lagi ko iniisip na baka masagasaan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending