Aubrey Miles ninakawan sa Paris: Nakaka-trauma kayo! Mga BWISIT!
NAKAKALOKA ang naging karanasan sa Paris ng actress-entrepreneur na si Aubrey Miles.
Imbes kasi na maging smooth at masaya ang kanyang pamamasyal, aba tila naging main target siya ng “pickpockets.”
Sa Instagram niya ibinadera ang masasamang karanasan sa “City of Love” at sinabing tuloy pa rin ang kanyang pamamasyal kahit maraming magnanakaw.
Chika pa niya, “Now I know why you love Paris.
“Kahit nanakawan ka sa Paris ng pick pockets, tuloy ang larga.”
Saad pa ni Aubrey, “Sa movies kala ko astig kayo pero sa totoong buhay parusa kayo, mga BWISIT.”
View this post on Instagram
Maraming netizens naman ang nagpahatid ng kanilang concern at tinanong sa aktres kung ano ang nawala sa kanya.
Sabi sa comment, “OMG! Ano nakuha sayo @milesaubrey? Yup doble ingat pag sa Paris.”
Sagot naman ng aktres sa kanya na natangay ang kanyang bag na nabili sa designer brand na “Jacquemus.”
Ikinuwento rin ni Aubrey na mukhang mga turista ang mga magnanakaw kaya hirap silang tukuyin kung ito’y mga “pickpocket.”
Chika ni Aubrey, “They dress up or pretend like a tourist.
“Daming attempt sa amin today.
“Sinundan kami for 10 mins. Again,” aniya pa.
May nag-comment din ng, “Dami pong ganyan hindi lang sa Paris, meron din sa Barcelona and Italy.”
Reply ni Aubrey, “Oo hindi ka pwedeng puro arte dito kasi mauubusan ka sa pickpockets hahaha! Kailangan dito alerto ka.”
Sa latest IG post ni Aubrey, kitang-kita na naglilibot pa rin siya sa Paris at may pa-photoshoot pa na dedicated sa mga magnanakaw.
Mensahe niya, “This photoshoot is dedicated to all the pickpockets in Paris dahil nakaka trauma kayo para sa mga baguhang turista, you can’t bring us down.
“Dahil dyan, nag pa-photoshoot pa ako, langya kayo.”
View this post on Instagram
Read more:
Anak nina Troy at Aubrey na may ASD unti-unti nang nagpapakita ng ‘progress & improvement’
Aubrey Miles, Troy Montero ikinasal na matapos ang 18 years na pagsasama
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.