Regine tinutubuan din ng kulugo; hindi raw lolobo ang ulo kahit sumikat sa buong universe at maging Darna | Bandera

Regine tinutubuan din ng kulugo; hindi raw lolobo ang ulo kahit sumikat sa buong universe at maging Darna

Ervin Santiago |October 09,2022
facebook
share this

Regine tinutubuan din ng kulugo; hindi raw lolobo ang ulo kahit sumikat sa buong universe at maging Darna

Ervin Santiago - October 09, 2022 - 08:28 AM

Regine hindi lolobo ang ulo kahit sumikat sa buong universe at maging Darna; umaming tinutubuan din ng kulugo

Regine Velasquez at Ogie Alcasid

SINIGURO ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na kahit ano pa ang mangyari sa showbiz career at person niyang buhay ay hinding-hindi lolobo ang kanyang ulo.

Nitong mga nakaraang araw ay naging usap-usapan si Regine dahil sa mga makahulugang post niya sa Instagram kaugnay ng pagpatol niya isang taong nagpapanggap daw na fan niya.

View this post on Instagram

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid)


Ang feeling ng Songbird, ang nagpapakilalang supporter niya na nagpo-post sa Twitter ng kung anu-anong impormasyon tungkol sa kanya ay siya ring nagpapakalat ng mga balita para magkasira sila ng asawang si Ogie Alcasid.

Ang nasabing netizen ang nanisi kay Ogie kung bakit tumumba at napaupo sa sahig si Regine habang  nagsasalita sila sa isang pinuntahang event.

Makikita sa isang video ang nangyari kung saan sinubukan naman ni Ogie na saluhin ang asawa pero hindi na nga siya umabot.

Nagkomento ang netizen na tinutukoy ni Regine at sinisi nga si Ogie sa nangyari, “No one’s putting the blame on him, ang amin lang is it should’ve been avoided if he was fast enough to catch him.

“If he acted faster, he could’ve caught her before she fell into the ground. he could’ve dropped the things he was holding, and rushed to her.

“Yung fellow Showtime host niya nga na nakaupo sa may audience, rushed to her when he saw what happened. while him on the other hand, they were standing next to each other na, wala pa siyang nagawa,” hirit pa ng netizen.

Pero ang sabi ni Regine, nagpapanggap lang ito bilang fan pero ang talagang gustong mangyari nito ay ang magkasira sila ni Ogie.

Sa kanyang Instagram, nag-post ng video clip si Regine may caption na, “It’s a good thing God has blessed me with a great sense of humour #sigepagtawanannyonaako (laughing emojis).

“I guess what I’m trying to say here is that when you fall down tayu agad teh!!!!!!!!” aniya pa na ang tinutukoy marahil ay ang pagbagsak niya sa sahig.

Hirit pa ng Asia’s Songbird, “Sa pakiwari ko lang na kahit ba, kunwari lang ba, sumikat pa ako sa buong universe hindi lalaki talaga ang ulo ko, bakit? Kasi laging may ganito…” (ipinakita ang video nang matumba siya katabi si Ogie).

Dagdag pa ni Regine, “At siguro kahit ako ang pinakamagandang babae o kahit maging si Darna pa ako, hindi lalaki ang ulo ko, bakit? Kasi nga lagi ding may ganito…” (ibinahagi ang video ng performance niya sa ASAP Natin ‘To na baliktad ang hawak ng mic).

At ang pinaka-nakakalokang hirit ng Songbird, “Not to mention may kulugo. May kulugo, teh, may kulugo, e” sabay pakita ng screenshot ng kanyang daliri na may kulugo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/324937/regine-pinaglihian-si-kim-im-a-fan-kaya-minsan-hindi-ko-siya-kinakausap-kasi-nai-starstruck-ako-sa-kanya https://bandera.inquirer.net/326133/regine-velasquez-pagod-na-sa-mga-taong-nagpapanggap-ogie-alcasid-may-hugot-sa-taong-galit https://bandera.inquirer.net/323199/natatawa-ako-sa-sarili-ko-kasi-kapag-may-nagre-regine-nako-confuse-na-ko-songbird https://bandera.inquirer.net/282728/promise-ni-neil-ngayong-b-day-ni-angel-ill-be-beside-you-all-the-way-i-love-you

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending