Promise ni Neil ngayong b-day ni Angel: I'll be beside you all the way, I love you! | Bandera

Promise ni Neil ngayong b-day ni Angel: I’ll be beside you all the way, I love you!

Ervin Santiago - April 23, 2021 - 03:02 PM

NANGAKO ang film producer na si Neil Arce sa kanyang fiancée na si Angel Locsin na hinding-hindi niya ito pababayaan anuman ang mangyari.

Ito ang bahagi ng birthday message ni Neil para sa TV host-actress na nagse-celebrate nga ngayon, April 23, ng kanyang ika-36 kaarawan.
Nag-share ang binata sa kanyang Instagram account ng throwback photo ni Angel kung saan makikita ang batambatang itsura ng Kapamilya star.
Ani Neil sa caption, “Sa mga taong hindi nakakaalam, ito po ang rason kung bakit hindi po siya nag-eendorse ng soup!

“Happy happy birthday my love!!! I wish you a lifetime of content and happiness and I promise you I would contribute a lot for you to be content and happy.
“Continue doing what you’re doing, I’ll be beside you all the way. I love you,” mensahe pa ng producer-businessman para sa kanyang future misis.

Ibinandera nina Angel at Neil ang kanilang engagement noong June 2019 at nakatakda na nga sanang magpakasal last Nov. 8, 2020. Nagdesisyon silang i-postpone muna ang wedding dahil sa COVID-19 pandemic at ang balita ay this year na sila magpapakasal.

“Tuloy naman siya. Ano lang namin, kailangan lang may mga ayusin. Of course, there’s the threat of the new strain nga, hindi ba?
“Tapos may mga protocol tayo na dapat sundin para safe po ang lahat. ‘Yon lang ang inaayos,” sabi ni Angel sa isang panayam.

Kagabi, nag-post naman si Angel sa Instagram at ibinalita na magse-set up din siya ng sariling community pantry bilang bahagi ng selebrasyon ng kanyang 36th birthday.

“Bilang pagpupugay sa bayanihan ng mga Pilipino at sa mga nagtayo ng mga community pantries sa iba’t ibang bahagi ng bansa natin, I decided to celebrate my birthday tomorrow by putting up a community pantry here,” pahayag ni Angel.

Aniya, matatagpuan ang pantry sa Titanium Commercial Building, 36 Holy Spirit Drive, corner Don Matias St., Don Antonio Heights, Brgy. Holy Spirit sa Quezon City. Bukas ito, “From 10am-4pm or until supplies last.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending