Xian Gaza sa sistema ng pasahod sa Pilipinas: Napaka-unfair!
HINDI mapigilan ng social nedia indluencer at self-proclaimed marites na si Xian Gaza ang maglabas ng saloobin ukol sa paraan ng pagpapasahod sa Pilipinas.
Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi niya na unfair at hindi raw makatarungan ang mga natatanggap ng mga empleyado sa bansa.
“Mag-aaral ka Grade 1 to Grade 12 plus 4 years sa college tapos papasahurin ka ng 20K per month hay nako tanginang buhay yan napaka-unfair,” saad ni Xian.
Dagdag pa niya, “Manghihingi pa ‘yan ng 2 years experience kahit pwede mong matutunan yung trabaho sa 1 month training.”
Nasa mahigit 100,000 likes na ito at mahigit 50,000 shares.
Marami nga sa mga netizens ang talaga namang nakaka-relate sa pahayag ni Xian.
“Dba only in the Philippines hayst parang gusto ko nalang sa other country,” saad ng isang netizen.
Sey naman ng isa, “Diba sobrang tama, tas kahit graduate ka na kadalasan abroad pa din bagsako kung wala kang kapit sa aapplyan mo.”
“Hahanapan ka ng experience eh kaya kanga magtatrabaho para mag ka experience tapos ganto HAHHAHA society sucks!” hirit pa ng isa.
Chika pa ni Xian, ang mga empleyado raw noya ay hindi kailangang magasa ng diploma o kahit ano pang educational attainment dahil hindi niya ito nire-require.
“Kahit elementary lang ang tinapos mo basta ma-execute mo ng tama yung trabaho. Yun lang naman talaga ang mahalaga eh,” sey niya.
Bukod sa pangma-marites, marami pang mga negosyo so Xian at ang ilan nito ay makikita sa Dubai at Thailand na madalas niyang i-post.
Lahad pa niya, ang kawalan ng malinaw na batas ang dahilan sa hindi maayos na sistema ng pagpapasahod.
“Napakayabang ng mga employers para sa kakarampot na sahod. Basura kasi ang mga batas natin pati na yung mga nag-iimplement nito,” sabi pa ni Xian.
“Ang dapat kasi diyan eh mayroong solid law for salary levels na kapag nag-hire ka ng college graduate with experience eh doble yung sahod para yung mga employers ay mapwersang kumuha ng unexperienced high school grads,” dagdag niya.
Matatandaang noong Hulyo ay inaprubahan na ng pamahalaan ang karagdagang P33.00 minimum wage para sa mga manggagawa sa NCR.
Sa kabila ng dagdag ay marami pa rin ang umalma dajil masyado itong maliit lalo na at patuloy ang pagtaas ng mga presyo ng pangunahing bilihin.
Related Chika:
Xian Gaza tinamaan kay Zeinab Harake: Will you eat biko with me?
Ogie Diaz kay Xian Gaza: Tigilan mo na ang pagiging Marites!
Xian Gaza nagulat nang makita si Zeinab sa Singapore, nagkwentuhan at walwalan hanggang umaga
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.