Ogie Diaz solid Robredo supporter pa rin: Medalya po kayo ng Pilipinas!
TODO suporta pa rin ang talent manager at showbiz personality na si Ogie Diaz kay dating Vice President Leni Robredo.
May mensahe pa nga siya kay Robredo matapos mabalitaang nakarating ito ng Amerika upang gampanan ang pagiging “Hauser Leader” sa Harvard Kennedy School.
Sa isang tweet, proud na sinabi ng dating komedyante na medalya ng Pilipinas si Robredo.
Aniya, “Mag-ingat po kayo lagi, Atty. Leni! Medalya po kayo ng Pilipinas!”
Pabiro pa niya, “Ay! Teka, baka mag-react ang mga trolls.”
Mag-ingat po kayo lagi, Atty. Leni! Medalya po kayo ng Pilipinas! Ay! Teka, baka mag-react ang mga trolls. Para po sa mga “fans” nyo. 😂 https://t.co/sDZNkhwsgc
— ogie diaz (@ogiediaz) October 6, 2022
Hindi naman napigilan ng ilan na suportahan ang tweet ni Ogie.
Biro ng isang netizen, “Inunahan mo na ang trolls papa O.”
Inunahan mo na ang trolls papa O 😂😂
— mai💗 (@gc_maimai) October 6, 2022
Hirit naman ng isa, “Atty.Leni, ikaw po ang rosas ng pilipinas este namin mga fans mo pala baka magalit mga trolls.”
Atty.Leni🌷ikaw po ang rosas ng pilipinas este namin mga fans mo pala baka magalit mga trolls😅🤪🌷
— ayeshamaeMD💙💙💙 (@sophiefoe777) October 6, 2022
At siyempre, hindi rin mawawala ang ilang bashers gaya ng isa na sinabing, “Medalya o kahihiyan?”
Ayyy!🙄Kung maka tawag na trolls to si ogie napaka unselfless mo naman, tama ba?😂😂😆 😌ahahha..
— Arl I. Dalaygon🇵🇭 (@arl_dalaygon) October 6, 2022
Tutol na sabi pa ng isa, “Ayyy! Kung maka tawag na trolls to si ogie napaka unselfless mo naman, tama ba? Ahahha.”
Ayyy!🙄Kung maka tawag na trolls to si ogie napaka unselfless mo naman, tama ba?😂😂😆 😌ahahha..
— Arl I. Dalaygon🇵🇭 (@arl_dalaygon) October 6, 2022
Matatandaang inanunsyo ni Robredo noong nakaraang buwan ang imbitasyon sa kanya ng Center for Public Leadership bilang isa siya sa napili na maging Hauser Leader.
Ilan sa kanyang tungkulin ay magkakaroon ng “series of engagements” sa mga miyembro ng Harvard community.
Saad niya sa dating post, “A huge honor to be invited at Harvard Kennedy School’s Center for Public Leadership, as one of its Hauser Leaders for the Fall 2022 semester.
“As Hauser Leaders, we will engage with students, faculty, alumni, and the wider Harvard community during our stint on campus.
“I’m both thrilled and humbled be given this space to share my advocacies and experiences, alongside this roster of distinguished leaders from various fields and sectors.
“What a blessing it is to be returning to Cambridge for this opportunity.”
Read more:
Ogie Diaz nag-react sa post na kuning endorser ng Facebook si Toni Gonzaga
Ogie Diaz sa acting ni Jillian Ward: Sana nag-immerse muna sa ospital para naaaral ang character
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.