K-Pop boy band SEVENTEEN nasa bansa na, fans kilig na kilig: ‘May pogi na sa pinas’
NAKARATING na sa bansa ang K-Pop boy band na SEVENTEEN!
Kaya naman ang pinoy fans, nagsimula nang mag-ingay sa social media at kilig na kilig sa pagdating ng grupo sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.
Nag-top trending pa nga sa Twitter ang katagang “May pogi na sa pinas.”
Kanya-kanyang “welcome” post ang fandom ng SEVENTEEN na tinatawag na “Filo Carats.”
Sey ng isang excited na fan, “welcome to the Philippines SEVENTEEN! @pledis_17 we hope you have fun here with all the filo carats!!!
MAY POGI NA SA PINAS AAAAA welcome to the Philippines SEVENTEEN! @pledis_17 we hope you have fun here with all the filo carats!!!
— kaykee⁷ JIMTOBER 🫶🏻 (@mochimikaykee) October 7, 2022
May fan pang nag-abang sa airport at nakunan ng video ang pagdating ng grupo at sinabing, “welcome to the philippines, #SEVENTEEN!”
welcome to the philippines, #SEVENTEEN! pic.twitter.com/xwCQhqISFM
— . (@sofingers) October 7, 2022
Ang isa naman, nanawagan na sa mga kapwa-fan at sinabing, “If gusto niyong bumalik pa dito yang mga pogi na yan give them the best experience they could have here in the Ph.”
Tuloy pa niya, “Let them have their time and privacy if ever na gagala sila before and after the concert, be responsible just as we.”
OO MAY POGI NA SA PINAS, AND IF GUSTO NIYONG BUMALIK PA DITO YANG MGA POGI NA YAN GIVE THEM THE BEST EXPERIENCE THEY COULD HAVE HERE IN THE PH. LET THEM HAVE THEIR TIME AND PRIVACY IF EVER NA GAGALA SILA BEFORE AND AFTER THE CONCERT, BE RESPONSIBLE JUST AS WE.
— BodGyu (@b0dgy_m) October 7, 2022
Bumisita sila dito sa Pilipinas para sa kanilang “Be The Sun” concert na magaganap ngayong weekend, October 8 at 9, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Two years ago nang huling magtanghal sa bansa ang SEVENTEEN para sa kanilang “Ode to You” world tour.
Nag-debut ang grupo noong 2015 at binubuo sila ng labing tatlo miyembro.
Read more:
K-Pop boy band ‘Treasure’ nag-release ng mini album, may bongga pang music video
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.