Sue Ramirez hindi pa handang magpakasal: Papunta pa lang tayo sa exciting part, guys! So I say, go, go, go!
“ANG dami ko pa pong gustong ma-achieve sa buhay ko, nagsisimula pa lang tayo, guys!”
Yan ang inamin ni Sue Ramirez nang mapag-usapan ang tungkol sa pagpapakasal sa boyfriend niyang si Javi Benitez at ang pagbuo ng sariling pamilya.
Ayon sa dalaga, hindi pa siya handang lumagay sa tahimik kahit pa medyo matagal-tagal na rin ang relasyon nila ng kanyang longtime dyowa na si Javi, “Papunta pa lang tayo sa exciting part. So I say ‘go, go, go.’
“Masyado kaming busy. Alam ko busy siya, ang dami pa niyang gustong gawin. Ang dami pa niyang gustong i-achieve. Tapos ako ganoon din ako.
“So I think naman at this phase we are on the same page. We respect each other’s work and we support each other sa trabaho na ginagawa namin. So we’re really not rushing,” ang dire-diretsong pahayag ni Sue sa panayam ng “Inside News” ng Star Magic last Monday, October 3.
View this post on Instagram
Ayon pa kay Sue, chill-chill lang ang happy relationship nila ni Javi, “Steady communication talaga. Of course, LDR (long distance relationship) kami. Medyo matagal na actually. Akala ko hindi ko masu-survive pero ito, guys, buhay na buhay.
“Okay naman. Okay naman so far. ‘Yun lang, kailangan lang talagang balansehin ng communication. Kapag nawala ‘yun, doon magiging shaky ang mga bagay na bagay. Pero as long as communication is alive, then I think magwo-work naman,” aniya pa tungkol sa mas tumitibay pa nilang relasyon ni Javi.
Bukod sa bago niyang serye sa ABS-CBN na “Iron Heart” kasama sina Richard Gutierrez, Maja Salvador at Jake Cuenca, kasama rin siya sa bagong K-Love series ng Viu kasama pa rin si Jake Cuenca, at sina Iza Calzado, Isabelle Daza at Gabby Padilla.
Huling napanood si Sue sa award-winning Kapamilya serye na “The Broken Marriage Vow” with Jodi Sta. Maria and Zanjoe Marudo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.