Ellen Adarna, Derek Ramsay ibinandera ang lambingan sa IG: ‘You want attention’ Bandera

Ellen Adarna, Derek Ramsay ibinandera ang lambingan sa IG: ‘You want attention’

Pauline del Rosario |October 05,2022
share this

Ellen Adarna, Derek Ramsay ibinandera ang lambingan sa IG: ‘You want attention’

Pauline del Rosario - October 05, 2022 - 06:23 PM

MULING napa-”sana all” ang maraming netizens sa married couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Proud kasing ibinandera ni Derek sa Instagram ang lambingan to the max nila ng kanyang misis sa pamamagitan ng isang sweet video.

May caption pa itong, “You want attention.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07)

Maikli lang ang nasabing video, pero kilig overload na ang hatid nito sa maraming fans.

Sey ng isang nag-comment, “Gusto ko lang naman mag Instagram.”

Pabiro namang sey ng sa, “Kinilig na nman ako sa relasyon ng iba hahahah…”

Saad pa ng isa pang fan, “You guys are super cute together!”

Ang sweet moment ng dalawa, mayroon nang libo-libong likes at comments sa IG.

Enero ng nakaraang taon, nagsimula ang dating rumors ng dalawa matapos mag-post si Ruffa Gutierrez ng tila pagiging komportable nina Derek At Ellen sa isa’t-isa.

Matapos naman ang isang buwan,  umamin na sila sa publiko tungkol sa kanilang tunay na relasyon.

Habang March 2021 naman nang sila’y ma-engage at nagpakasal na noong Nobyembre na naganap sa isang luxury resort sa Bataan.

Si Ellen ay may isang anak sa dating naka-relasyon na si John Lloyd Cruz, habang may isang anak din si Derek sa dating asawa na si Mary Christine Jolly.

Read more:

Derek bonggang sasakyan ang anniversary gift kay Ellen: ‘Thank you for giving me so much love, I’ve really found true happiness’

John Lloyd humanga kay Derek dahil magandang impluwensiya sa anak nila ni Ellen: OK kaming lahat

Ellen Adarna tuluyan nang lalayasan ang showbiz, gusto nang magpabuntis kay Derek

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending