Ellen Adarna tuluyan nang lalayasan ang showbiz, gusto nang magpabuntis kay Derek Bandera

Ellen Adarna tuluyan nang lalayasan ang showbiz, gusto nang magpabuntis kay Derek

Reggee Bonoan |August 22,2022
share this

Ellen Adarna tuluyan nang lalayasan ang showbiz, gusto nang magpabuntis kay Derek

Reggee Bonoan - August 22, 2022 - 07:38 PM

Ellen Adarna at Derek Ramsay

KINUMPIRMA na ni Ellen Adarna na titigil na siya sa pag-aartista dahil mas prayoridad na niya ang kanyang pamilya.

Nakapanayam ni Morly Alinio ang wifey ni Derek Ramsay sa nakaraang Cinemalaya Film Festival na ibinalita naman sa “Showbiz Now Na” vlog kasama sina Nanay Cristy Fermin at Wendell Alvarez na pansamantalang kahalili ni Romel Chika.

Sa in-upload ng “SNN” ngayong hapon sa YouTube channel ay sinabi ni Morly na maraming inaalok kay Ellen na proyekto pero tinatanggihan na nito lahat.

“Sabi niya, sa ngayon talaga raw may mga proyektong inaalok pero sabi niya, ‘Enough na! Ayoko dahil nag-e-enjoy ako sa kung anong meron ako ngayon,’” kuwento ni Morly.

Sabi naman ni ‘Nay Cristy, “Tama ‘yan, tutal naman galing siya sa buena familia, kumita rin siya sa pag-aartista, ang asawa niya ay sandamakmak na yaman din ang meron, ano pa ang hahanapin nila hindi naman sila magugutom?”

Maraming negosyo raw si Derek at kulang ang katawan niya para asikasuhin ang lahat ng ito ayon pa sa beteranang manunulat at online host.

Napag-usapan ding perfect match sina Derek at Ellen na ayon kay Morly ay duda siya nu’ng unang ipakilala sa kanya ng aktor.

“Sabi ko, ‘parang hindi naman totoo ‘yung relasyon ninyo?’ Tapos sabi niya (Derek), ‘hindi, totoo talaga ‘to.’ Nagulat na lang ako ate Cristy, totoo pala talaga,” pagbibida pa ni Morly.

Ibinahagi ring hindi na umiinom ngayon si Ellen kumpara noong wala pa siyang asawa na mahilig magwalwal kahit sino pa ang karelasyon.


Bukod sa pagpapatanggal ng breast implants ni Ellen ay plano rin pala nitong ipatanggal ang intrauterine device o IUD dahil plano na nitong magkaroon sila ng anak ni Derek.

Ayon kay Morly, “Dapat pala last month ay tinanggal na ‘yung IUD niya kaso nagkaproblema kasi may pinuntahan sila ni Derek kaya hindi natuloy ang pero for sure ate Cristy, itong month na ‘to (Agosto) ipatatanggal na.”

“Sana nga ‘no, magkaroon na ng sariling produkto sina Ellen at Derek, isang moreno at isang mestiza, ang ganda ng kumbinasyon,” sambit ni ‘Nay Cristy.

Naikuwento rin na hands-on talaga si Ellen sa anak niyang si Elias Modesto dahil siya mismo ang nagpapakain at nagpapatulog sa bagets kaya naman lagi siyang nagmamadaling umuwi kapag hindi niya kasama ang bagets.

Ellen Adarna nagpakabit ng IUD para hindi agad mabuntis ni Derek Ramsay

Cristy Fermin umalma sa pag-alok ni Isko kay Joaquin para sa libreng booking: Hindi ko gusto ‘yun!

KC may isa pang namana kay Mega bukod sa pag-aartista: Mommy ko talaga ang nag-influence sa akin ng…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending