Mariel nakunsensiya sa ‘prank call’ kina Anne, Bianca at Boy: Na-guilty ako…never again, this is the first and the last!
“NEVER again. This is the first time and last time!” Yan ang ipinangako ni Mariel Rodriguez-Padilla matapos ang ginawang prank calls para sa kanyang YouTube vlog.
Hindi kinaya ng powers ng TV host ang “panloloko” sa kanyang mga kaibigang sina Bianca Gonzalez, Anne Curtis at Boy Abunda.
Talagang nakunsensiya raw siya matapos tawagan isa-isa ang mga taong malalapit sa kanya na itinuturing na niyang tunay na mga kapamilya. Ito’y para lang makiuso sa paggawa ng mga prank calls bilang content sa vlog.
Pag-amin ng misis ni Sen. Robin Padilla na mapapanood sa bago niyang YouTube entry, “Bumabaliktad yung tiyan ko, feeling ko para siyang empty.
“Never again. This is the first time and last time that we are ever going to do a prank call,” pangako ni Mariel na talagang naapektuhan sa ginawang prank calls.
View this post on Instagram
Sa simulang bahagi ng video, sinabi ng TV host at dating aktres na super excited pa siya sa gagawin niyang video, “Prank call, alam mo iyon, para makiuso. Kunwari Gen Z. Cool ang mommy na ito. Makiki-prank-prank ako.”
Una niyang naging biktima ay si Bianca Gonzalez kung saan kinompronta niya ito sa nabalitaang pagtatraydor daw sa kanya ng kapwa TV host na never pa raw sa kanya ginawa ng kaibigan.
Sey ni Mariel kay Bianca, nabalitaan daw niya na tinawag siya nitong “super arte” at “lumaki na ang ulo”. Bukod dito, may sinabi rin daw ang TV host laban sa asawa niyang si Robin Padilla.
Shookt si Bianca sa sinabi ni Mariel at agad na dinenay ang lahat ng akusasyon sa kanya at hinding-hindi raw nito kayang gawin ang ibinibintang sa kanya. “That’s so bizarre,” sabi ni Bianca.
Hindi na sinundan pa ni Mariel ang kanyang “script” at umamin na agad na prank call lang ang lahat. Sey naman ni Bianca, nagulat daw talaga siya at hindi ine-expect ang prank call ni Mariel.
Next target — Anne Curtis. Ang eksena, nag-away nang bonggang-bongga sina Mariel at Robin at nakiusap ang TV host kung puwede siyang tumuloy pansamantala sa bahay nina Anne.
Halatang nagulat din si Anne at medyo nautal pa sa pakikipag-usap kay Mariel pero willing itong tumulong sa kaibigan. Pero, hindi rin kinaya ng misis ni Binoe ang panloloko kay Anne at sinabi agad na prank call lang ang ginawa niya.
Napatili naman si Anne at inaming ninerbiyos talaga siya sa biglang pagtawag ni Mariel at sa kunu-kunong pag-aaway nila ni Robin.
At ang huling tinawagan nga ni Mariel ay ang kanyang talent manager na si Boy Abunda. Ang drama ng TV host ay uutang siya ng P5 million para pambayad sa tone-toneladang karneng binili niya.
Sabi ni Tito Boy, nasa isang Zoom meeting lang siya at sinabihan si Mariel na tawagan siya uli. May kakilala raw siyang pwedeng kausapin para matulungan si Mariel sa problema nito.
Kasunod nito, inamin din agad ni Mariel na prank lang ang lahat. Sey naman ni Tito Boy, kung totoo ang sinabi ni Mariel, talagang tutulungan din niya ang kaibigan.
Pagkatapos ng lahat, sey ng celebrity mom, “Nanginginig na rin ako. Meron palang guilt feeling ang prank na ito, ‘no. Meron guilt feeling na parang inaano mo yung mga kaibigan mo na wala namang inaano sa iyo.”
“I thought that this prank thing would be easier. I thought kayang-kaya ko siyang gawin kasi malakas yung loob ko. Pero kapag nandon ka na pala, ang hirap pala niyang gawin.
“It’s really stressful pala talaga. Because papa-worry mo pa yung tao,” aniya pa.
Feeling ni Mariel, talagang hindi in-expect ng kanyang mga kaibigan na papatol din siya prank call challenge.
“Because matanda na kami, 38 na ako, hindi nila iisipin na papatulan ko pa yung prank-prank na iyan. Hindi ko pala siya kaya. Hindi ko pala kayang mag-prank. It’s not me.
“Sa susunod magluto-luto na lang tayo. Share ng recipe. Hindi ako maka-get over doon sa mga ganap. Wag na tayong pausuhin ang prank na ito. Iba na lang, kasi hindi ko po nakaya,” diin pa niya.
Pero sa kabuuan ng vlog, sinabi ni Mariel na feeling blessed talaga siya sa pagkakaroon ng mga kaibigan tulad nina Bianca, Anne at Boy.
“It’s really important to have friends who are true to you. No matter what the situation, whatever the situation be, alam mo that you have friends you can run to.
“I chose those people, specifically, because I know that they are the friends that I can truly count on no matter what the situation is. I knew na we have a very good relationship,” pahayag pa ni Mariel.
https://bandera.inquirer.net/309836/piolo-nabiktima-ng-nakakalokang-prank-call-ni-bea-adik-ka-yun-na-yun
https://bandera.inquirer.net/281452/biktima-john-lloyd-alex-pinagtripan-ni-maja-pero-hindi-umubra-ang-drama-kay-aiko
https://bandera.inquirer.net/289797/long-pinagbabayad-ng-p40k-dahil-sa-ginawang-prank-kay-aiko
https://bandera.inquirer.net/286359/alex-hiyang-hiya-sa-nakakadiring-prank-kay-isko-sorry-po-yorme
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.