Suzette Doctolero, Aiko Melendez kontra sa mga bumu-boycott ng isang online shopping app | Bandera

Suzette Doctolero, Aiko Melendez kontra sa mga bumu-boycott ng isang online shopping app

Reggee Bonoan |October 01,2022
facebook
share this

Suzette Doctolero, Aiko Melendez kontra sa mga bumu-boycott ng isang online shopping app

Reggee Bonoan - October 01, 2022 - 05:21 PM

Suzette Doctolero, Aiko Melendez kontra sa mga bumu-boycott ng isang online shopping app

NAG-TRENDING ang isa sa creative director ng mga shows ng GMA 7 na si Suzette Doctolero sa tweet niyang, “Pareho ko ginagamit ang Shopee at Lazada. Kung saan may sale at promo, doon ako. Pake ko kung sino endorser. Doon ako sa makakamura hahaha.”

Kaliwa’t kanan ang bashing na natanggap ni S sa tweet niya na naglabas lang naman siya ng saloobin niya na ngayon ay deleted na.

Sunod na sabi niya, “Ba’t kaya nadamay na naman ako? E sabi ko lang ay like ko both (emojis laughing face). Ah basta magandang araw pa rin ngayon!”

At para maiba na ang topic ay nag-promote na lang siya ng available ang COVID 19 vaccine.

“Pahabol ng anunsyo: Mayroon covid vaccine dito sa Fairview Terraces Mall. Go na para sa mga hindi pa nabo booster.”

Pero marami pa ring bumatikos sa Kapuso executive, “parang Grab Food Delivery at Food Panda, kung sino ang may promo at mga discounts, iyon ang ginagamit ko, so, lagi ako omoorder ng sabay then choose ko mas mura after discounts. Ang saya kaya nang maraming choices. Mas pabor sa consumers like us.”

Samantala, kabilang din si Quezon City 5th District councilor Aiko Melendez sa naglabas din ng saloobin niya at para naman ito sa mga empleyadong tinanggal.

“Sana mag-stick po tayo na mali ang timing ng ginawa Shopee sa pag alis ng mga tauhan nila at pagbabawas. Dahil di po ito makatao.

“Pero mali naman ang atakihin nyo ang kinuha nilang endorser dahil iba ang political leanings nya.

“Ang Shopee din lang ang makaka-alam na baka kaya kinuha nila si Toni Gonzaga para maisalba also ang sales nila at eventually pag nakabangon sila i-hire back ang mga tao.

“Sana nga ganun ang diskarte nila, whether we like it or not si Toni is one of top endorsers and kapag siya also ang kinukuha maganda ang sales.

“Wag na kayo maging divided para sa isang company, maging malawak sana ang pag iisip ng mga tao.

“Sa Shopee n’yo i-call ang attention n’yo dahil sila ang nag alis ng mga empleyado nila and not Toni! #justsaying.”

Parehong trending ang mga pahayag na ito nina Konsehala Aiko at Ms Suzette.

 

Related Chika:
Suzette Doctolero naging instant fan ni Andrea: Hindi lang siya katawan, may puso, talino at husay ang babae!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Suzette Doctolero kay Andoy Ranay: GMA lang po ang gumagawa ng matatapang na kwento

GMA writer sa mga pupuri ng viewers sa Legal Wives: Hindi peke kundi totoo, hindi nanloloko!

Suzette Doctolero sa pagtatapos ng ‘Probinsyano’: Susko, since 2016 pa sila nagsasabi na mag-e-end na pero nanloloko…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending