GMA writer sa mga pupuri ng viewers sa Legal Wives: Hindi peke kundi totoo, hindi nanloloko! | Bandera

GMA writer sa mga pupuri ng viewers sa Legal Wives: Hindi peke kundi totoo, hindi nanloloko!

Ervin Santiago - August 29, 2021 - 09:42 AM

Dennis Trillo at Suzette Doctolero

Dennis Trillo at Kapuso head writer Suzette Doctolero

“HINDI po basura ang ‘Legal Wives’. Hindi rin ito sampalan o kabitan (na nakasanayan ninyo dyan) kaya huwag munang maghusga.”

Yan ang bagong hugot ng Kapuso head writer na si Suzette Doctolero para sa lahat ng hindi pa nanonood ng Kapuso series na “Legal Wives” na pinagbibidahan ni Dennis Trillo.

Nilinaw ni Suzette sa pamamagitan ng Facebook ang nauna niyang viral post tungkol sa pababang ratings ng nasabing programa na tinanggal din niya makalipas ang ilang oras.

Sa bago niyang FB status, sinabi ng Kapuso scriptwriter na hindi mababa at panalo pa rin naman sa ratings game ang serye nina Dennis, Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali.

“Mas mataas pa rin po ang ratings ng Legal Wives kaysa sa katapat nito na ini ere sa apat na istasyon (one digit lang po yata ang suma tutal ng katapat. Ang samang sabihin, sorry, pero need sabihin at Ginagamit ang salita ko).

“Ang aking deleted post ay dahil Feeling ko lang ay dapat mas mataas pa ang nakukuha ng LW lalo at may ingay ang show na hindi lang gawa gawa ng promo, kungdi suporta mula sa mga positibong reviews ng mga nanonood nito.

“Hindi peke, kungdi totoo. Hindi nanloloko,” simulang paliwanag ni Suzette patungkol sa nasabing primetime show.

Pagpapatuloy pa niya, “Mas gusto rin nating lumawak pa ang audience share nito — panoorin nang mas marami pa dahil hatid nito ay hindi lang aliw kungdi dagdag kaalaman.

“At magpromote ng unawaan sa pagitan ng mga taong may magkaibang relihiyon. Alisin ang religion: pare pareho tayong tao, mabuting anak at kapatid, kaibigan, etc.

“Oo, gusto nating mas mataas pa para ang mga show na gaya nito (At Bagman, hindi po ako bias. I appreciate a good show) ang maging standard na. Para level Up na lahat.

“Lalo at malapit na sigurong mawala ang tv kaya gusto natin ay mag golden age uli ang tv.. Yun lang ang point at huwag sanang isiping ito ay yabang.

“Sadyang passionate lang po lalo at sobrang mahal ko ang tv at soap opera (minsan ay frustrating na hindi ako naiintindihan ng iba haha).

“Masama bang maghangad nang ganun? Bakit ngayon ay ginagamit ang sinabi ko na para bang talo? HINDI!

“Iba ang hugot ko! (Mas malalim pa sa balon. Chos!),” ang chika pa ni Suzette.

Samantala, simula bukas, Agosto 30, ay mapapanood na nang mas maaga (8 p.m.) ang “Legal Wives” sa GMA Telebabad.

“Sa Lunes ay magiging first slot na tayo. At handa tayong lumaban sa bagong katapat (na dalawang beses nang tinalo ng Encantadia — maging nung rewind). Napakaraming twist pa ang kwento ng LW.

“Sa mga nanonood ng Legal wives, salamat sa suporta. Sobra! From the heart!!! Yiii.

“Sa mga hindi pa nanonood: Hindi po basura ang legal Wives. Hindi rin ito sampalan o kabitan (na nakasanayan ninyo dyan) kaya huwag munang maghusga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Bakit di ninyo muna silipin? Bago ijudge? Iniimbitahan ko kayo. Tiwala kami sa content nito,” pahayag pa ni Suzette sa kanyang Facebook message.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending