Maja Salvador balik-Kapamilya; bibida sa bagong serye kasama si Richard Gutierrez Bandera

Maja Salvador balik-Kapamilya; bibida sa bagong serye kasama si Richard Gutierrez

Therese Arceo |September 28,2022
share this

Maja Salvador balik-Kapamilya; bibida sa bagong serye kasama si Richard Gutierrez

Therese Arceo - September 28, 2022 - 05:15 PM

 Maja Salvador balik-Kapamilya; bibida sa bagong serye kasama si Richard Gutierrez

MARAMI ang nagdiriwang sa muling pagbabalik ng aktres at Queen of Dance Floor na si Maja Salvador sa paggawa ng teleserye sa ABS-CBN.

Nitong Martes, Setyembre 27, kumalat ang mga larawan ng aktres sa social media kung saan kasama niya ang mga Kapamilya stars na sina Richard Gutierrez, Karina Bautista, at Kyle Echarri.

Kuha ang larawan sa Cebu kung saan tila nagte-taping sila para sa umano’y teleserye.

Kaya naman marami ang na-curious kung magbabalik na nga ba si Maja sa Kapamilya network matapos ang paglabas nito sa ibang mga networks gaya ng TV5 at GMA-7.

At ito nga ay kinumpirma mismo ng Star Creatives TV ng ABS-CBN matapos itong mag-post ng behind the scenes o BTS ng kanilang taping para sa bagong aabangang teleserye ng madlang pipol.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by STAR CREATIVES TV (@starcreativestv)

Bibida si Maja sa teleseryeng “Iron Heart”, isang action-drama series kung saan bukod kay Richard Gutierrez makakasama rin niya sina Jake Cuenca at Sue Ramirez.

Taong 2020 pa ng huling magkaroon ng teleserye ang actress-singer sa ABS-CBN na “The Killer Bride”.

Samantala, super happy naman ang mga supporters ni Maja dahil may bago na naman silang aabangan na show ng aktres maliban sa “Oh My Korona” na napapanood sa TV5 at “Eat Bulaga” kung saan isa rin siya sa mga hosts.

“Kaabang-abang ito. The best yung portrayal niya sa The Wildflower, I guess this is much greater,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa,”Si Maja lang malakas… tatlong network may show siya lupet.”

“Kapag magaling kang artista, down to earth, at hindi ma attitude talagang maraming offers sa ‘yo. Winner ka Maja!” sey naman ng isa.

Hindi naman kataka-taka na mapapanood sa iba’t ibang TV networks ang aktres dahil isa itong freelancer at patuloy itong mapapanood sa TV5 at GMA-7 sa kabila ng pagbabalik nito sa paggawa ng teleserye sa Kapamilya network.

Related Chika:
Maja tinanggihang makatambal si Gerald sa ‘Init Sa Magdamag’, respeto lang daw kay Rambo

Maja Salvador istrikto sa trabaho, sey ni Kakai: Disiplinado siya pagdating sa work

Maja Salvador tuloy-tuloy ang projects, wala pang balak mag-settle down: Kung mangyayari po, mangyayari…

Maja Salvador muling nakasama ang co-stars sa ASAP Natin ‘To!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending