Vice Ganda umalma sa mga 'clickbait' content na gumagamit ng pangalan niya | Bandera

Vice Ganda umalma sa mga ‘clickbait’ content na gumagamit ng pangalan niya

Therese Arceo |September 24,2022
facebook
share this

Vice Ganda umalma sa mga ‘clickbait’ content na gumagamit ng pangalan niya

Therese Arceo - September 24, 2022 - 03:23 PM

Vice Ganda umalma sa mga 'clickbait' content na gumagamit ng pangalan niya
TINALAKAN ni Unkabogable Star na si Vice Ganda ang mga pages na gumagamit ng kanyang pictures at larawan sa mga ginagawa nitong content.

Nitong Miyerkules, Setyembre 21, ibinahagi ng “It’s Showtime” host ang kanyang pagkaimbyerna sa mga “clickbait” content.

“Grabe no! Gamit na gamit ang pangalan ko at mga pictures ko sa mga clickbait na articles and contents,” saad ni Vice Ganda.

Dagdag pa niya, “Minsan naniniwala na talaga akong kabayo ako. Andaming gustong sumakay e.”

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa mga netizens ang naturang tweet ni Vice Ganda. Ang iba ay talaga namang agree sa sentiment ng komedyante habang ang iba ay tila pinagagalitan pa ito.

“Becuse you’re one of the most relevant influencer. Pag sinakyan ka, marami ring sasakay na iba. Mas pinag-usapan pa yung IdolPH2 nung nag-guest ka. Lahat ng sasabihin mo, malaki epekto sa mga tao,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Walang magawa sa buhay yan meme god bless po sayo mas marami kaming napapasaya at naaalis amg lungkot dahil sayo. salamat sa pagpapasaya sa lahat ng tao na malungkot at may pinagdadaanan sa buhay.”

Hirit naman ng isa, “Masyado kadin kase magsalita meme. Dapat walang sama ng loob pag may lipatan ganun din naman gma wala naman kayong nadinig sa isa kanila nung lumipat ang ilan jan.”

Matatandaang nag-trending si Vice Ganda matapos ang pagbibigay payo nito sa susunod na mananalo sa “Idol Philippines” season 2 na sana ay mag-stay muna ng matagal sa network.

Samantala, hindi naman ito ang unang pagkakataon na umalma si Vice Ganda patungkol sa paggamit ng mga pages sa social media sa kanyang pangalan at larawan para magkaroon ito ng mga clicks at engagements.

Kamakailan lang nang magsalita ito patungkol sa kumalat na balitang may hindi raw sila pagkakaintindihan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera noon at tuluyan na raw silang nagkaayos nang dumalo sila sa isang event.

Agad namang tinawag ni Vice ang pansin ng nagsabi ng maling balita upang itama ang kanilang news report na agad namang naresolba.

“Baka mamaya fake iyang mga sinasabi natin. Kailangan, agad-agad, naitatama kung sakaling mali,” sey niya.

Related Chika:
Hugot ni Vice Ganda sa grand finals ng ‘Idol PH’ patutsada ba kay Zephanie Dimaranan?

Vice Ganda pinatulog ang mga ‘Marites’: ‘Wag ka nang magpuyat para fumresh ka!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News5 nag-sorry sa maling balita ukol sa ‘iringan’ nina Vice Ganda at Marian Rivera

Vice Ganda pumalag sa chikang nagka-issue sila ni Marian Rivera: Super yuck!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending