Markus Paterson pinagsisisihan ang pagpunta sa Pilipinas: Du’n ko na na-pick up lahat ng bisyo ko | Bandera

Markus Paterson pinagsisisihan ang pagpunta sa Pilipinas: Du’n ko na na-pick up lahat ng bisyo ko

Reggee Bonoan - September 23, 2022 - 04:57 PM

Markus Paterson pinagsisisihan ang pagpunta sa Pilipinas: Du’n ko na na-pick up lahat ng bisyo ko
“BIGGEST regret ko in live was making decision to move here in the Philippines, iniwan ko ‘yung tatay ko na matanda na at mag-isa sa UK,” ito ang pahayag ni Markus Paterson sa episode 3 ng podcast nilang Boys After Dark kasama sina Anthony Jennings, Jae Miranda, Gello Marquez, at Aljon Mendoza.

Napag-usapan kasi ng grupo kung ano ang biggest regret nila sa buhay nila na kung may chance ay itatama nila ito.

Sa pagpapatuloy ni Markus, “doon talaga lahat ‘yung pangarap ko na maging piloto, maging military kagaya ng tatay ko. As in never talaga akong mangarap na maging artista, mag actor, mag model, maging singer. As in wala talaga akong balak lumipat dito.

“Everything happened so fast, so quick, du’n ko na na-pick up lahat ng bisyo ko, depression ko. Why would I waste my mental health on something I don’t see as beneficial to me?”

At dito inamin ng ex-boyfriend ni Janella Salvador na ang anak nilang si Baby Jude ang dahilan kung bakit nanatili sa Pilipinas ang aktor.

“Because right now if I didn’t have Jude I’d be back to the UK already. I’d be in the Air Force or I’d be in the Army and I knew I would be happy.

“But of course at the end of the day, I just wanna bring it back to the fact that me and Janella are good. We’re friends, we are co-parenting ‘coz obviously our priority is Jude.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Markus Paterson (@markus)


“She’s amazing mother and I’m trying to be amazing father. Biggest blessing of course yeah, Jude! Jude is my biggest blessing the fact that she gave it to me, I will never not love her maybe not romantically anymore but she’ll always be a huge part of my heart.”

Simula episode 1 and 2 at ngayong 3 na ang Boys After Dark ay laging may quotable quote si Markus na tila sinasadya niya para maraming views ang podcast nila?

Matatandaang sa unang episode ay sinabi ni Markus na ang natutunan niya sa showbiz industry ay huwag makipag date sa kapwa nito taga-showbiz din kaya marami ang nag-react dahil tila may pagsisisi na nakilala niya ang ina ng anak niya, si Janella.

Pero nang bugbog sarado na sa bashers ang aktor ay binawi niya ito at hindi raw ganu’n ang ibig niyang sabihin dahil si Janella ay importante sa buhay niya lalo’ng binigyan siya ng anak.

Ang ikalawang episode ay tungkol sa TOTGA or The One That Got Away at hindi si Janella ang tinukot dito ni Markus kundi ang nakarelasyon niya noong nasa UK siya na iniwan niya dahil nga nagpunta siya ng Pilipinas at nang balikan niya ay hindi na puwede dahil may iba na itong karelasyon.

Kaya nasambit ng binatang ama na ang salitang TOTGA ang pinaka-bulshitt na word para sa kanya.

Aniya, “If she got away, she wasn’t the one. If she was the f*cking one, you would’ve fought to the ends of your capability to make her stay in your life. If you want to find happiness in your life, you have to experience different relationships, different people, different ways of life, different culture, to find out what you really want in life. It’s that f*cking simple.”

At ngayong episode 3 ay kung wala nga ang anak nila ni Janella ay malamang bumalik na siya ng UK para tuparin ang pangarap na maging piloto o pumasok sa military.

Ano kayang next topic ni Markus sa episode 4?

Related Chika:
Markus Paterson ‘almost a year’ nang hiwalay kay Janella: Our only priority is Jude

Markus walang paki sa mga ‘negatron’ sa socmed; proud na proud kay Baby Jude

Markus Paterson nakatikim ng talak kay Cristy Fermin: Madaldal kang masyado

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Markus Paterson mas bet ang morena, may hugot sa ‘TOTGA’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending