Juday proud na ibinandera ang bonggang achievement ni Yohan: You did so well baby girl! | Bandera

Juday proud na ibinandera ang bonggang achievement ni Yohan: You did so well baby girl!

Ervin Santiago |September 13,2022
facebook
share this

Juday proud na ibinandera ang bonggang achievement ni Yohan: You did so well baby girl!

Ervin Santiago - September 13, 2022 - 07:29 AM

Yohan Agoncillo at Judy Ann Santos

PROUD na proud ang Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos sa panganay na anak na si Yohan Agoncillo dahil sa latest achievement nito.

Talagang nagpaka-cheerleader sa Juday habang pinanonood ang anak nila ni Ryan Agoncillo sa pagsali nito sa isang swimming competition.

Sa kanyang Instagram Stories, ibinahagi ng aktres at TV host kung paano niya sinuportahan nang bonggang-bongga si Yohan sa pagsali nito sa swimming competition — mula sa pagsama sa rehearsals hanggang sa mismong araw ng laban.

Sa lahat ng ipinost niyang video sa IG ay naka-tag ang mister niyang si Ryan na mukhang naiwan naman sa kanilang bahay para magbantay sa dalawa pa nilang anak, sina Lucho at Luna.

Sa isa pa niyang post nitong nagdaang Linggo, ibinandera naman ni Juday ang achievements ni Yohan sa sinalihang sports – nakapag-uwi ito ng tatlong medalya.

“So proud of you my love!! 1st in fly, 3rd in back, 2nd in 100 free .. all while juggling school work, training and college application… you did so well baby girl,” ang caption ni Juday sa mga photos ni Yohan na magde-debut na rin sa darating na November.

Sa isang panayam, sinabi ni Juday na napakaswerte nila ni Ryan sa pagkakaroon ng anak na tulad ni Yohan. Itinuturing nilang “answered prayer” ang dalaga.

View this post on Instagram

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday)


“Siya mismo, ‘yung pagdating niya sa buhay ko ang ipinagpapasalamat ko. Kasi sagot siya sa dasal ko. I prayed for her.

“I asked the Lord in every single prayer, parati ako nagpupunta sa adoration chapel noong dalaga ako na, ‘Lord, sana kapag 26 na ako, magkaroon ako ng anak na babae.’

“I don’t know kung bakit ang specific nu’ng edad. Hindi ko alam kung saan nanggaling, but at 26, I got Yohan. It changed my life. I wasn’t prepared.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naramdaman ko na lang na okay, go. Pag-uwi ko, nanay na ako. It changed my whole being, my lifestyle, everything,” sey ni Juday.

Paano nga ba dumating sa buhay nina Ryan at Juday ang panganay nilang si Yohan?

Ryan Agoncillo naging ninong muna kay Yohan bago maging ama

Juday ipinagdasal ang pagdating ni Ryan: Ito pala ‘yung feeling na niyayaya kang mag-date, dinadalaw ka sa set

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending